Alas singko pa lang ng umaga ngunit gising na si Alessandra, halos hindi nga sya nakatulog kagabi matapos maganap ang pag-iisang katawan nila ng lalaking hindi nya kilala. Ramdam nya ang kaunting kirot sa ibabang bahagi ng katawan, napakagat-labi sya. Totoo ang lahat ng nangyari. Bumangon sya sa pagkakahiga at mabilis na tinungo ang banyo upang maglinis. Naaamoy nya pa sa katawan ang pabango ng lalaking iyon. Napapikit sya, bakit parang ang sarap sa ilong niyon? Ipinilig nya ang ulo. Kung ano-ano ang naiisip nya hindi iyon tama. Masamang lalaki ang kasama nya ngayon kailangan na nyang makaalis dito. Mabilis lang syang naglinis at pagkatapos ay dali syang bumaba upang magtimpla ng kape, wala ang lalaki kaya mas magaan ang naging kilos nya. Hawak-hawak nya ang tasa habang sinisipat mul

