"Celine Medina! c*m Laude!" Nagpalakpakan ang mga guro at estudyante. Ang lahat ay masaya para sa kanya but she was unhappy. Dahan-dahan siyang tumayo. Wala siya ni isang kasama. Hindi rin niya sinabi kay Kenzo ang oras ng pag-alis niya kanina. Umalis siya ng hindi nagpapaalam dahil nahihiya pa siyang harapin ang lalake. Naglakad siya paakyat sa stage. "Wala siyang kasama?" "Wala bang magsasabit ng medalya niya?" "Nasaan ang parents niya?" Yan lang naman ang naririnig niyang sinasabi ng ibang mga tao. Nanlalabo na ang kanyang mga mata. She was about to cry pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Ngunit tila ba bumagal ang paglalakad niya ng makita niyang dumating si Kenzo. Umakyat rin ito mula sa kabilang hagdan ng stage at naglakad na papalapit sa kanya. Sabay nilang naratin

