"Nasaktan ka? Ibig sabihin ba nito ay mahal mo na ako, Celine?" Nangungusap na tanong ni Kenzo habang hawak ang maamong mukha ng asawa. Nang tumango si Celine habang mangiyak-ngiyak pa ay agad na hinalikan ng madiin ni Kenzo ang labi nito. "Really? Mahal mo ako?" Parang hindi pa makapaniwalang tanong ulit ni Kenzo. "Oo nga! Parang ayaw mo pa yata eh! Binabawi ko na--" "Hey! Don't! Nasabi mo na kaya wala ng bawian!" Aniya habang walang paglagyan ang tuwa at muli ng sinakop ang labi ng asawa. Napangiti si Celine at unti-unting ipinikit ang kanyang mga mata. Sa wakas ay nasabi na rin niya na mahal na talaga niya si Kenzo at hindi puro pagtatago lang ng kanyang nararamdaman para sa binata. Pilit niyang pinipigilan noon ang nararamdaman niya dahil nandun ang takot niya na baka iwan di

