"Celine!" He keep on calling her name but Celine didn't pay attention to him. Mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makarating na siya sa ibaba ng kanyang apartment. Tatawag na sana siya ng taxi ng bigla siyang buhatin ni Kenzo na parang isang sako ng bigas! "Kenzo! Ano bang ginagawa mo! Put me down!" She keeps on struggling! Pinagsususuntok niya ang likuran ni Kenzo ngunit tila ba wala itong pakialam sa ginagawa niya. Binuksan ng driver nito ang pintuan ng sasakyan at ipinasok siya doon at hindi na siya binigyan ng pagkakataon na makalabas pa. "Bakit mo ako dinala dito! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na tapusin na natin ang kung ano mang ugnayan na meron tayo?!" Galit na sabi niya kay Kenzo. Pero sa halip na magalit din si Kenzo ay ngumiti lang ito ng nakakaloko sa kanya.

