Damn! Im so lateeee . Nagmamadali akong tumakbo palabas ng village para mag-abang ng taxi. Nakakainis naman ngayon pa nag day off yung driver tapos si Zoe nakaalis na rin . Kung kailan late pa ako oh. Pinapara ko lahat ng sasakyang dumadaan kahit hindi taxi. Maya maya may taxi na tumigil pero hindi mismo sa harapan ko medyo sa unahan kaya naman nagmadali akong lumapit doon. Saktong bubuksan ko na yung pinto ng kotse ng biglang may humawak din sa hawakan. "Hmm. Excuse me , nauna ako" Mahinahon kong sabi. "No Miss. Ako ang mas nauna" Crap! Tinignan ko siya ng masama. "What the" Parehas kaming nagulat. Bakit ba tuwing nasa nakakainis na sitwasyon ako bigla biglang lumilitaw itong si Stephen. Ano para lalong mang inis?! Mas hinigpitan niya pa ang hawak at halos mapirat na yung kamay ko.

