Pag uwi ko agad akong dumiretso sa office ni Zoe. Pagpasok ko halatang nagulat siya at sinenyasan akong saglit lang dahil may kausap pa siya sa phone niya. "Yes Mr. Cruz , babasahin ko muna yung mga files tapos tatawagan kita ulit kung payag na akong iendorse ang gamot mo. Okay..... bye" Tinago na niya sa bulsa niya yung phone niya. "So how's your first day?" "Care to explain kung pano ako nakapasok sa SP section?" "Ano bang tanong yan Jezreel , of course I enrolled you." Tss. Napaka pilisopo niya, napailing na lang ako sa naging sagot niya. "What I mean is. Lahat ng kaklase ko dun makapangyarihan sila , mayaman as in sobra. And you oo mayaman ka may hospital ka at sikat kang doctor. But I think its not enough para mapantayan ang kayamanang meron ang mga kaklase ko. Besides wala rin

