2nd week of september na ngayon , ang bilis ng panahon. Simula ng lumipat ako dito sa Shinzui last week lang ako naging masaya. Oo masaya as in happy buong first week ng September. Paano ba naman kasi M.I.A halos lahat ng kaklase ko , hindi na ako kinukulit ni Sceven dahil busy sila basketball at iba pa daw na bagay , sila Jace din at ang barkada niya bihira lang din magpakita dahil busy sa training para sa soccer. Ito pa the best si Stephen madalas ding wala dahil may family something daw tungkol sa business though umattend siya ng practice pero isang beses lang. Ang sossy girls din dalawang araw lang pumasok busy din daw sa di ko alam , pake ko sa mga yun. Ang buong first week ng september ko ay naging peaceful. Ang onti lang namin lagi sa room kasi nga maraming wala , natira ang mga gc

