Ang dami kong aktibidades ngayong araw , grabe napaka busy kong tao. Today is tuesday walang masyadong ganap kahapon bukod sa mahabang dance practice . Nasauli ko na rin yung damit ni Jace. Ngayon naman ayon sa aking to do list , mamayang after break time magpeperform na kami para sa opening ng English month kasunod nito ang essay writing contest namin na hanggang ngayon hindi ko pa rin mataganggap kung bakit kasama ako. Tapos kailangan ko rin gumawa ng research para sa activity sa science na ipapasa before lunch ! BEFORE LUNCH ! Napaka walang puso talaga ng science teacher namin , nasaan ang hustisya?! Hindi ba pwedeng magtapos tong august ng hindi ako nahihirapan ng ganito?! "Hey Jez kanina ka pa tulala !" Napalingon naman ako kay Yhana. "Kinakabahan ka ba sa performance niyo mamaya?"

