CHAPTER SEVENTY-EIGHT Palaisipan pa rin sa amin ang mga nangyari kay Chloe at hindi sinasadyang napa-stalk ang kapatid ko sa ex-girlfriend ng boyfriend ko. Sa halip kasi na sagutin ang mga tanong niya kanina ay tinanong niya ang pangalan nito. “Wait! What’s her name?” out of nowhere na tanong ni Shane sa amin. Nagkatinginan kami ni Ate Bea at Ate Sophia bago muli namin siyang hinarap. “Huh? Sino?” tanong ko sa kanya habang hawak nito ang kanyang cellphone at tila may kinukulikot dito. “Pangalan ni girl,’ anyang sabay nguso sa kinaroroonan ng sinabi niyang babae na walang iba kundi si Chloe. “Chloe–’ “Chloe? Apelyido?” muli niyang tanong. “Ummmm— Martinez yata.” “Parang hindi ka naman sigurado diyan Ate,” napakamot ulo niyang saad. “Ewan ko sayo, Shane! Bakit ba? Anong gagawin mo

