CHAPTER ONE HUNDRED FOUR ALMOST MIDNIGHT WHEN we decided to go to our rooms. It seems that the girls were already drunk kaya minabuti namin na pumunta na sa mga inupahan naming mga silid. Sa aming anim ako at si Nikko lang ang hindi masyado tinamaan ng alak sapagkat kaunti lang naman ang ininom namin. Samantala si Marco ay mukhang naparami yata dahil ang sabi niya mismo ay gusto niyang magpakalasing ng gabing yun dahil yun na daw ang huling gabi namin dito sa Batanes. May point naman siya dahil alam kong sa susunod na buwan na ang alis nito papunta ng Italy at ang nais niya ay sulitin ang mga sandaling nandito pa ito sa Pilipinas. Mabuti na lang he can still handle it kahit halata na sa itsura niya ang kalasingan at halos hindi na makatayo. Nasa isang sulok ito habang tahimik lang na

