CHAPTER EIGHTY-THREE WE ARE ABOUT TO HAVE DINNER TOGETHER ng bigla akong kinukulit ng kapatid kong si Shane. Tinatanong ang kalagayan ko dahil napansin na yata ang biglaang pag tahimik at pagkabalisa ko. Hindi niyo naitatanong, isa rin si Shane sa may matalas na pakiramdam pero sa kanya hindi lang gaanong obvious. Hanggang pati si Mama ay nakapansin na sa aming dalawa na nagbubulungan. “Ano ang nagbubulungan niyo diyan?” napatingin kami kay Mama ng bigla itong nagsalita at nagtanong sa amin. Napakamot ng ulo ang kapatid ko sabay siko sa akin. Pero bigla akong napatulala at hindi nakapagsalita. “Ah, e-- Kasi nagkita at nag usap si Ate Xyvielle at yung si Chloe,” napailing na lang ako sa daldal ng kapatid ko. Hindi na nito hinintay na ako yung magsabi. “Teka! Sinong Chloe yan?” takang t

