CHAPTER ONE HUNDRED SIX BANDANG ALAS-DOSE NG TANGHALI ng tumawag si Drea.”Hello, Bessy. Nandito na kami sa labas ng Hotel. Sasama ba kayong mamili ng pasalubong?” tanong niya sa akin sabay pindot ko ng speakerphone para marinig din ni Brixxe ang usapan namin. Napatingin ako kay Brixxe at tumango lang ito.”Sasama daw kami. Wait for us.” “Okay, Bilisan niyo lang. Bye,” aniyang binaba ang telepono. Pagkatapos nga namin mag-usap ni Drea over the phone ay umalis na kami ni Brixxe. Naghihintay na ang mga ito sa labas ng Hotel. “Sa wakas lumabas na rin kayo. Akala namin hindi na kayo sasama at doon na lang kayo sa loob ng kwarto buong maghapon,” natatawa na saad ni Chloe at bumeso sa amin. “May balak naman talaga kaming lumabas,” sambit ko habang papasok na sa kotseng gamit namin. Kahit i

