“Ate, halika dito …”, pagyayaya ni Chloe sa kapatid na si Jane. “Oh bakit?”, sagot ni Jane na noon ay lumapit naman sa kapatid. “May naisip kasi ako ….” “Ano nanamang kalokohan yan ha? At saan mo gagamitin yang papel at ballpen? Gabi na aah.. matutulog na tayo.”, sabi ni Jane na iniisip na may kakaibang gagawin ang nakababatang kapatid. “Hindi ‘to kalokohan. Naalala mo yung nangyari satin nung isang linggo?” “Oh, bakit? Gusto mo maulit? Ikaw nalang!” “Hindi! Ayoko no, takot na takot nga ko non eh!”, sabi ni Chloe sa biro ng kapatid. “Eh anong kinalaman nun sa sasabihin mo ngayon?” “Ganito kasi yun… May napanood kasi ako. May nagmumulto sa bahay nila. Tapos, gusto nila malaman kung bakit….”, pagpapaliwanag ng bata. “Hay nako Chloe ah, ayoko nang iniisip mo. Ayoko mag spirit of th

