"Julius! Alvin! Rudy!, buksan niyo tong gate!", sigaw ng mama nila habang kinakatok ang gate. Tanghali ang uwi ni Jane at Chloe mula sa paaralan dahil “exam day”nila. Sinundo sila ng kanilang ina kung kaya't ang mga tauhan lang nila ang naiwan sa kanilang bahay. Tiwala naman ang kanilang amo kahit na sila lang ang naiiwan sa bahay. Alam kasi nilang nasa mabuting kamay ang kanilang tahanan. At isa pa, hindi na kailangang bantayan pa ang mga ito dahil likas silang masisipag. Sinisigurado nilang marami silang matatapos na gawain bago umalis ng bahay. Si Angelica namanna bunsong anak ng mag-asawa ay sa kapitbahay lang pumapasok ng Nursery. Oras ng recess niya ngayon,kaya kasama niya ang kasambahay na si Lea. Habang ang panganay naman na si Ara ay nag-aaral ng High School sa isang sikat na u

