Ilang linggo rin ang nakalipas simula ng mangyari ang tagpong iyon. Hindi naman na muling naulit pa ang nangyari o narinig ng mama nila. Kung kaya naman, naisip nito na baka dala lang ng matindig antok ang kaniyang mga narinig. Kung sabagay, maaari naman na nagkamali lamang siya ng pandinig. Pwede naman siguro na hampas lang ng tubig sa balde ang narinig niya na lumikha ng tunog na gaya ng pagtama ng kutsara sa tasa. At hindi isang taong nagtitimpla ng kape o anumang maiinom nung madaling araw na iyon. Maaaring inisip niya lang din na may gising na sa ilang kasamahan sa bahay kaya siya nagkaroon ng ideya na may nagtitimpla nang kung ano mang inumin. Kahit papaano naman ay nabawasan din ang takot sa bahay nang tuluyang umalis si Aling Elsa. Sabihin man natin na isa sa mga saksi ang matand

