PEGGY

1619 Words
             Nanginginig ang katawan ko. Pakiramdam ko ay naninigas ang mga binti ko.              Nagdadalawang isip ako at gusto ko na sanang umatras. Hinatak ko ang magkabilang gilid ng denim jacket na suot ko para matakpan ang harapan ko. Sobrang baba naman kasi ng neckline nitong damit na pinasuot ni Candy sa akin. Naiilang tuloy ako. Pati napakalambot ng tela kaya kumukurba sa katawan ko.              Mabuti na lang at dis-oras na ng gabi kaya wala nang masyadong tao dito sa convenience store kung saan ako maghihintay sa susundo sa aking sasakyan.              Kaya ko ba?              Tanong ko sa sarili ko. Iniisip ko pa lang ang gagawin koay gusto ko nang umatras. Pero parang wala na yata akong karapatang umatras.              May pumaradang kulay silver na sasakyan sa tapat ko na tumutugma sa plate number na ibinigay sa akin ni Candy. Bumaba ang salamin ng bintana nito sa may tapat ko.              "Kayo po ba yung kaibigan daw ni Miss Candy?" tanong ng driver nito.              Nagdadalawang isip pa din ako kaya bahagya lang akong tumango. Nakita kong bumaba ang driver mula sa sasakyan at saka umikot sa gawi ko. Binuksan nito ang pintuan sa back seat.              "Tara na, Miss. Ihahatid na kita sa penthouse ni Boss," sabi nito.              Sandali akong nag-isip. Iniisip ko kung paano ako makakaatras pa. Pero bigla kong naalala si Nanay. Lalo tuloy akong naging determinado na ituloy ang naumpisahan ko na. Tahimik na akong humakbang papunta sa sasakyan.              "Kuya, sa harapan na lang po ako uupo," sabi ko dito.              Napakamot sa ulo si Kuyang driver.              "Naku, Miss baka mapagalitan ako ng boss ko kapag nagkataon...." sabi nito.              Napahinga na lang ako ng malalim at saka sumakay na sa back seat. Tahimik lang ako sa pagkakaupo. Nahihiya akong kausapin ang driver na sumundo sa akin. Alam kong may idea na ito kung bakit niya ako sinundo at kung ano ang pakay ko sa amo niya.              Wala sa loob na napasulyap ako sa rear view mirror. Mukha namang mabait si Kuyang driver. Natural na susunod lang ito sa mga utos ng amo niya.             May thirty minutes din kaming bumiyahe bago ipinasok ni Kuya driver ang sasakyan sa isang condominium.              Biglang bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa katotohanan na mangyayari na ang dapat mangyari ngayon.              Bumaba si Kuyang driver pagkaparada niya sa sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pintuan. Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko deserve ang ganitong klase ng pagsisilbi.              "Tara. Ihahatid na kita sa taas," sabi sa akin ni Kuya.              "W-Wag na po. Ako na lang. Kaya ko na po. Sabihin nio na lang kung anong floor po," sabi ko dito.              Mataman akong sinipat nito. Akala yata niya ay may balak akong tumakas.              "O sige. Ihahatid lang kita sa reception desk baka hindi ka paakyatin kasi hindi ka naman naka-register na guest," sabi nito at saka nagpatiuna nang naglakad papasok sa loob ng main building.              Lumapit si Kuya sa babaeng nasa likod ng cubicle ng Reception counter. Nakita kong itinuro ako nito. Pahapyaw naman akong tiningnan ng receptionist pero hindi nakatakas sa akin ang tila nang-uuring tingin nito. Pasimple ko tuloy nayakap ang sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa suot ko na parang pangalawang balat ko na dahil sa pagkapit ng tela sa katawan ko.              Mayamaya ay lumapit sa akin si Kuyang driver.              "Okay na. Pwede ka nang umakyat. Gusto mo bang samahan kita sa elevator hanggang sa floor na pupuntahan mo?" tila nag-aalalang tanong nito sa akin.              "Hindi na po. Sabihin nio na lang kung anong floor," sabi ko dito.              "O siya. Pindutin mo lang yung P sa pinakataas. Yung Penthouse yun. Pinakatuktok nitong condominium," sagot nito.              Napatango na lang ako.              "Alam na din ni boss na paakyat ka na. Nai-text ko na. Buksan mo na lang yung pinto. Pumasok ka na lang. Hindi na naka-lock yun," dagdag pa nito.              Malalim muna akong huminga at saka tahimik na naglakad papunta sa elevator.Hindi ko alam kung paano kong naihahakbang ang mga paa ko sa kabila ng paninigas ng mga ito dahil sa tensiyon.                 NAKAKABINGI sa loob ng elevator. Palibhasa ay alas nueve na ng gabi kaya siguro mag-isa na lang akong sakay nito. Habang papalapit ng papalapit sa palapag na bababaan ko ay lalong patindi nang patindi ang kabang nararamdaman ko.              Pagkalabas ko ng elevator ay tahimik na hallway pa din ang sumalubong sa akin. Sobrang tahimik, kung kaya dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko, kasabay na ng tunog ng takong ng sapatos na suot ko.              Huminto ako sa tapat ng pinto. Actually, nag-iisang kuwarto ito dito sa floor na to. Katulad ng sabi ni Kuyang driver, pinihit ko ang door knob at saka itinulak pabukas ang pintuan.              "Lock the door and take the shower. Let's finish this. Fast," sabi ng isang baritonong boses na nakaupo sa couch at nakatunghay sa TV na naroroon.              Napahawak ako sa dibdib ko. May pagka-authoritative ang boses nito. Yung parang isang may-ari ng kumpanya na nanenermon sa empleyado niya.              Nang maalala ko kung bakit ako naririto ngayon ay muling bumalik ang kabang nararamdaman ko. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Iniisip ko kung lalabas na ba ako ng kuwarto. Pero bigla na namang sumagi ang imahe ni Nanay sa isip ko.              "Ano pang tinatayo mo diyan? Gusto mo bang buhatin pa kita? Pa-importante ka pa ha..." narinig kong sabi nito.              Sukat doon ay biglang nag-init ang ulo ko.              Bakit ba ang sungit-sungit nitong lalaking to? Kung alam lang niya, ngayon ko pa lang gagawin to...              "Ang laki ng ibinayad ko-- ng kaibigan ko sa yo. I mean, kung totoong virgin ka nga. O press release mo lang iyon para malaki ang ibayad sa iyo," sabi nito sabay hagod ng tingin sa katawan ko mula dibdib pababa.              Parang bigla akong nilamig sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Nakagat ko na lang ang labi ko. Kung anumang pang-iinsulto ang sasabihin ng lalaking ito ay kailangan kong pikit-matang tanggapin sa ngayon. Dapat kong isipin na yung pera ng kaibigan niya ang kailangan ko sa ngayon para maisalba ang buhay ng nanay ko.              Tutal, pagkatapos ng gabing ito ay hindi ko naman makikita na uli ang lalaking ito. At ikakasal na siya. Ang sabi sa akin ni Candy ay iniregalo ako ng kaibigan niya sa kanya bilang pamamaalam sa pagka-binata niya.              Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at saka naglakad papasok sa isang doorway. Naisip kong hubarin muna ang heels ko bago sumunod sa kanya. Carpeted naman ang sahig at talagang masakit na ang mga binti ko sa taas ng takong ng sapatos na suot ko. Bitbit sa isang kamay ang heels ay humakbang na ako papunta sa pinasukan ng lalaki.             Pagkapasok ko sa kuwarto ay naabutan kong naghuhubad ito ng polo niya. Napaawang ang mga labi ko sa ganda ng katawan niya. Bagamat dim light lang ang ilaw dito sa loob ay kita ko pa rin ang parang nililok na tiyan nito.              Napakasuwerte ng mapapangasawa nito!              "Like the view?" nakangisi nitong sabi.              Agad ko namang itinikom ang bibig ko at saka nag-iwas ng tingin.              Pepper! Nakakahiya ka...              "Take a shower first." ulit nito sa utos niya kanina.              "Ah..naligo na po ako bago pumunta dito. H-Hindi naman po ako pinagpawisan," pangangatwiran ko.              Ayoko nang magtagal pa. Gusto ko nang matapos to. Pagkatapos nito at pagkakuha ko sa balanse sa bayad ko, kakalimutan ko na ang gabing ito.              "What are you waiting for? Hubad na!"              Wala bang alam itong lalaking ito kung hindi mag-utos?!              Hindi ko alam paanong gagawin ko. Kahit kay Lyndon ay hindi ko naman nagawang maghubad sa harap nito. Hanggang halikan lang naman kami. Yung pinakahuli lang naman kami lumampas nang maramdaman ko ang kamay nitong nakahawak sa isang dibdib ko.              Bahagya akong napasigaw nang hatakin ako nito papunta sa kanya. Kung hindi ko naitukod agad ang kamay ko ay malamang napasubsob ako sa dibdib nito. Tumingala ako dito para sana sitahin ito pero na-magneto ako ng mga mata nitong nakatingin sa akin.              "Playing hard to get, Miss? Do you think mapapaniwala mo akong inosente ka?" sarkastikong tanong nito.              Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko. Pilit kong inalis yung mahikang naramdaman ko kanina sa pagtitig sa mga mata niya. Yung nabuong paghanga ko sa kaniya kanina ay biglang napalitan ng galit.              "Tapusin na natin to, sir Klarence! Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin. Hindi ko naman ginustong ako ang iregalo sa iyo ng kaibigan mo pero wala na akong magagawa at wala ka na ding magagawa kaya tapusin na natin to!" inis kong sabi.              Parang nakita ko itong sandaling natigilan nang banggitin ko ang pangalan niya. Sinamantala ko iyon para itulak siya at saka ko inumpisahang hubarin ang damit ko.             Nang bra at panty na lang ang natitira sa suot ko ay buong tapang ko itong tiningnan. Kahit na mahirap lang kami ay maipagmamalaki kong makinis naman ang katawan ko. Siguro, isang factor yung dahil sa lahing Amerikano ang tatay ko at may lahing Amerikano din naman si Nanay.              At sa height kong 5'7" ay nasa proportion naman ang mga kurba ng katawan ko. Ang dibdib ko ay hindi naman biniyayaan pero hindi din naman masasabing kinulang. Tama lang. Bigla akong nag-iwas ng tingin nang makita kong hinuhubad na ni Klarence ang pantalon niya. Hindi sinasadyang nasulyapan ko ang V-line nito na talaga namang napaka-sexy ng dating. Bigla akong nanigas nang lapitan ako nito.              "Kanina lang ay ang tapang mong tumingin sa akin. Why so shy now, Miss pa-Hard-To-Get?" pang-iinis sa akin nito.              "Pe- Peggy ang pangalan ko!" sabi ko dito.              "Hmm...Peggy huh.....is that your true name? Or one of your fake names? Anong pangalan ang ibinibigay mo sa ibang customers mo? Penny? Perry?"              "Shut up, Mr. Klarence Montenegro!"              Sinunggaban ko ang batok nito at saka buong tapang na hinalikan ko ito sa labi.    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD