Chapter 6

1028 Words
“It's been a week pre, kailan mo ba hihiwalayan si Carolayn? May kasamang ngising tanong ni Kent. Naron silang tatlo sa may canteen habang kumakain ng lunch. Panay daldal nitong si Kent magmula pa kanina habang itong si Appollo at Leo tahimik lamang habang nilalantakan ang pagkain. “Bakit ba atat kang makipag hiwalay si Apollo kay Carolayn,,,?” Si Leo “Para masaya ang revelation, but, don't tell me, kaya hindi ka nakipaghiwalay kay Carolayn dahil inlove ka na talaga sa sweet moves nito pare,! Pang aasar muli ng isa. “Pwede ba tumahimik ka na muna Kent patapusin mo muna ako kumain nakakawala ka ng gana!. Serysong saad ni Apollo. Nagtakang nagkatinginan ang dalawa. Hindi na muli nagsalita ang dalawa sa halip ipinagpatuloy ng mga ito ang pagkain. ____ Nang araw yong hindi pumasok sa school si Carolayn dahil masama ang kanyang pakiramdam dahil sa biglaang pagkakaroon nito ng lagnat. Pero nakainom na siya ng gamot kaya medyo gumaan narin ng pakiramdam niya. “Apo may bisita ka” Tawag sa kanya ng lola nito. “Kaya mo bang tumayo,,? Tanong ng kanyang lola mula sa pinto. Nagtatakang bumangon si Carolayn. Iniisip kong sino ang bisitang sinasabi ng kanyang lola. The last time she remember wala siyang inaasahan at lalong wala siyang kaibigan. “Yes po lola, okay naman ang pakiramdam ko, matapos kong uminom ng gamot” sagot ko. “Maigi naman, siya puntahan mo na bago pa mainip at bibili ko kayo ng merienda sa labas nakakahiya sa bisita mo kong hindi man lang malagyan ng laman ang tiyan bago umalis.” “Segi po la, Salamat” Inayos na muna ni Carolayn ang sarili dahil mukha siyang bruha ng makita ang itsura sa salamin nakakahiya sa bisita kung ganitong itsura ang ihaharap niya. Pagkatapos Lumabas na siya sa kwarto. “Apollo anong ginagawa mo dito,,,,??” Nagulat na saad ni Carolayn ng bumungad sa kanya ang mukha ng lalaki. Di niya malaman ang gagawin kung mauupo ba or tatayo parang lalo siyang nahilo sa presensya ng lalaki. “Calm down babe, I'm so worried about u kaya naparito ako, Mabilis na Lumapit sa kanya ang lalaki pagkatapos hinalikan siya sa kanyang pisngi at aakmang yayakapin ang dalaga pero mabilis na nailayo ni Carolayn ang sarili . Natatakot siyang abutan sila ng kanyang lola. “Huwag Apollo,”Mabilis nitong tangi.. “Why,,? Lumayo ng bahagya ang lalaki at may pagtatakang pinagmasdan ang kasintahan. “Kasi naman bakit ka sumugod dito bigla,? hindi pa alam ni lola ang tungkol sayo,,! Nag aalalang saad ni Carolayn. Walang problema sa pagbisita ng lalaki at natutuwa si Carolayn pero wrong timing. “Don't worry kung Iniisip mo na sinabi ko ang tungkol sa namamagitan sa atin, hindi, sinabi ko lang na magkaibigan tayo at classmate kita at kaya ko naparito dahil nag aalala ako sayo, I'm sorry kung hindi kita naimform bago pumunta dito. I was worried about u babe.,, siya nga pala pinagdala kita ng gamot at ang mga prutas.” Binalingan ni Carolayn ang dala ng lalaki mula sa maliit nilang table kaya natouch siya. “Maraming salamat Apollo sa pag alala.” Mayat-maya kalmado ng wika ni Carolayn saka naupo ito dahil biglang nakaramdam ng hilo pero hindi siya nagpahalata sa lalaki. “Okay ka lang ba talaga,,? Need mo ba dalhin sa hospital,,,? Nag alalang tanong muli ng lalaki. “Oo, okay lang ako,uminom na ako ng gamot, kundi lang talaga kita mahal naku kinutusan na kita.” Pabirong wika ni Carolayn. Nakita niya sa mukha ng lalaki ang paghinga ng maluwag. “Magpagaling kana para makapasok kana miss na kita at ang mga luto mo,,” mahinang biro ng lalaki. “Hussssh,,hinaan mo ang boses mo baka marinig ka ng lola ko.” “Pero Ang bait ng lola mo, pinapasok ako agad.” “Oo naman,,,” Ilang sandali pa bumalik na ang lola ni Carolayn bitbit ang plastic at softdrinks. Nasa may pintuan palang ang lola nya Kaya inayos niya Ang sarili na tila walang nangyari. “Mga anak mag merienda muna kayo. Nilapag ng lola ni Carolayn ang dalawang soft drinks sa table kasama ng tinapay. “Salamat po lola. Si Apollo. Kinuha ang isang soft drinks at inabot kay Carolayn. Lihim na pinanlakihan ng mata ni Carolayn ang lalaki ng wala sa kanila ang atensyon ng matanda kundi nasa Tv nilipat nito ang chanel upang hanapin ang paborito nitong palabas ng ganong oras. Kaya kami ni Apollo tanging mga mata namin ang nagsesenyasan. “Welcome iho, napakabait mo naman kaibigan at naisipan mong dalawin ang apo ko.” Pagkamaya’y wika nito ng matapos malipat ang channel ng tv saka bumalik sa amin ang atensyon nito. Nakipagkuwentuhan narin ang lola nito sa lalaki. Mukhang magkasundo na ang dalawa kahit ngayon palang nagkita. Samantalang itong si Carol di mapalagay sa kanyang kinauupuan nag alala sa bawat tingin ng lola nito sa lalaki baka mamaya biglang madulas ang dila. “Sa sunod bumalik ka dito iho at ipagluluto kita, natutuwa ako dahil mabait kang bata.” Muling puri ng matanda sa lalaki. “Hindi ko po tatangihan yan lola. Natatawa Na pagsang ayon ng lalaki. Wala na nagawa si Carol kundi umoo at makitawa ng hilaw sa dalawa dahil pinapabalik ng kanyang lola ang lalaki sa kanilang bahay, samantalang pinag iisipan na ni Carol na huwag na muna bumalik ang lalaki sa kanilang bahay. Makalipas ang ilang sandali nag paalam na ang lalaki. “Ano sa tingin mo apo,,?” Tanong ng kanyang lola ng sila na lamang dalawa. “Lola,,,?” Tanong nito. “Mukhang may pagtingin sayo,,di lang kaibigan,,” “Naku po, ikaw naman la, hindi naman, at alam ko ang gusto ni Apollo, di naman sexy ang apo niyo, mabait lang talaga yun si Apollo kahit kanino, kaya nga naging kaibigan ko yan,”Sagot niya na may kasamang Hilaw na tawa. “Galing mo pumili ng kaibigan apo, basta tandaan mo lahat ng payo ko sayo.” “Oo naman la, hindi ko nakalimutan yon.” Nakaramdam ng konsensya si Carol dahil sa Pagsisinungaling niya. But, time will come, she will do the right thing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD