Isang linggo na ang lumipas ngunit naroon pa rin ang sakit sa dibdib ni Carol sa panloloko ng lalaki sa kanya. Gayunpaman pinipilit niya mag move on, at tinatak sa isipan na hindi na mauulit ang pangyayaring iyon.
“I'm sorry miss.,,” hanging sorry ng lalaki na nakabangga kay Carolayn ng umagang iyon habang Tahimik siyang naglalakad papasok ng campus, tumingin siya sa paligid malawak ang daan bakit pa siya nabangga ng kung sino.
“Okay lang.” Tanging wika niya. Wala siyang lakas makipagpalitan ng salita sa kahit sino. Nagpatuloy sa paglalakad na tila walang nangyari, ngunit hindi pa siya nakakalayo ng tinawag siya ng lalaki.
Pero katulad ng pangako niya sa sarili hindi na siya makikipag usap ng estudyante sa campus.
“Hey miss,,” hingal na inabutan siya ng lalaki, humarang sa kanyang harap kaya Napatigil siya ng paglalakad.
“I think, this is urs.,,” Taas nito sa sling ng ID.
“Yeah, it's mine thanks.,,!”hinablot ni Carolayn ang ID sa kamay ng lalaki saka walang paalam na tumalikod.
Ang liit nga ng mundo yong mga taong ayaw niyang makita yon pa ang makakasalubong niya, si Apollo kasama ng dalawa, sandali silang nagkakatitigan. Ngunit mga ilang Segundo lang, siya ang unang bumawi ng tingin. Napansin niya na Tila may pagnanais sa mata ng lalaki na lapitan siya, pero baka imahinasyon lamang niya to.
Walang lingon-likod siyang nagpatuloy ng paglalakad. She miss Apollo pero, she has to remove Apollo, on her mind!
____
“It's u again,” who would've thought na magkaklase pala tayo.,Wika ng lalaking nakapulot ng id ni Carol kanina.
Hindi sumagot si Carol sa halip nagpatuloy siya sa pakikinig sa kanilang guro.
“What's ur name miss.,,?” Pabulong na tanong ng lalaki sa kanyang gilid.
Naiinis si Carol sa dami ng pwedeng upuan ng lalaki sa tabi pa niya. Nakukulitan siya.”Hawak mo na kanina ang id ko.,,!”Sagot ko dito ng may kasamang inis.
“Oh, I'm sorry miss kung makulit ako. By the way, Im new student here.”
Halata nga dahil ngayon ko lang nakita mukha mo. Sa isip ni Carol
“Huwag mo ng itanong ang pangalan ko,! dahil hindi ako nakikipag usap sa kahit sino.! I'm sorry.!”Wika ko at hindi na muli sinagot ang mga tanong nito.
“What,,!?” Halos pasigaw na wika ni Apollo mabuti na lang mas malakas ang boses ng kanilang teacher.
“Kanina pa kita tinatanong sa assignment natin for next subject hindi ka man nakikinig sa akin.” Si Leo na kanina pa kinakausap si Appollo pero ang Hindi niya alam wala dito ang atensyon niya kundi nasa harap.
“Busy ang kanyang mata sa kabila.,,” Si kent.
“Oh, I know.,,”Si Leo sabay tingin sa harap.
“Mukhang ikaw ang hindi maka move on sa inyo ni Carol,? it's been a week tapos tingin ng tingin itong si Appollo sa kinaroroonan ni Carol.”
“Don't talk nonsense leo sa harap ako nakatingin.,,! Sa teacher natin,,”Defensive na sagot ni Apollo.
“Sa harap nga si Carol, I think okay na siya dahil may bago na siyang kakilala. Gatong ni Kent na lalong nagpainis kay Appollo.
“Shut up both of u.,,!”
—-----
As usual mag isang kumakain si Carolayn sa isang tabi pero pakiramdam niya hindi niya nalalasahan ang kinakain dahil sa tuwing nanunumbalik sa kanya ang lahat, nawawalan siya ng gana. Napapatanong siya sa sarili kung bakit nangyari sa kanya yon. She did her best, pero hindi pa rin pala sapat.!
Madaming pinabaon na pagkain sa kanya ang lola para share sila ni Apollo. Ito pa, nong nakaraan pa sinasabi ng kanyang lola na dumalaw sa kanila si Apollo dahil pagluluto ito ng matanda. Pero sa kasamaang pala hindi na mangyayari yon since wala na silang connection ni Apollo sa bawat isa. Lagi niyang sinasabi hindi makakapunta dahil busy ang lalaki. Pero hanggang kailan niya sasabihin yon,,? Sa tamang panahon kapag okay na siya.
Dapat niyang maubos ang pagkain bago pa umuwi sa kanila upang hindi magtaka ang lola niya.
“Can I sit,,?”
“Ikaw na naman!?
Sa iba kana maupo! nauna ko dito.,,!” May inis na saad ni Carolayn. Pero hindi nakinig ang isa talagang ipagpipilitan ang gusto.
“May space pa naman ah.,,segi na share na tayo.,,”naupo ito ng deretso kahit wala pang nakuhang sagot mula kay Carolayn.
“Bakit ba ang kulit mo,,?” umurong siya ng kunti.
“I just want here, wala kasi akong kilala pa”Dahilan nito.
“Maraming estudyante dito! sila na lang ang kaibiganin mo,. Huwag ako!”
“Oh, what's that,,? Can I try.,,?
“Hindi,! sa mahirap lang ito.,,Sabay layo ko sa pagkain ng aakmang kukunin nito. Makulit na wala pang modo. Nang aagaw ng pagkain!.
“I want to try, sige na. Makaawa nito. Napakunoot noo si Carolayn ng matitigan ang mukha ng lalaki, ewan lang pero parang may naalala siya sa mukha nito. Mabilis niyang ipinilig ang ulo saka binigyan ng pagkain ang lalaki.
“Ang sarap! this is my first time to try this, what's the name?
“Adobong manok.,,”
“I will ask our maid to cook for me.,,Thanks Carolayn for giving me idea.,,”Ngiti saad nito.
“Saan mo nalaman ang pangalan ko.,?”
“I asked our teacher since ayaw Mong sabihin ang totoo pati narin sure name mo.,But i feel a bit shocked ng malaman kong may pagkapareho ang surname natin.” Are we even relatives,,,?.
“Paano naman mangyari yon,? di nga kita kilala. Patingin nga ng ID mo.” Kinuha niya id ng lalaki at pareho nga sila ng surname pati ang spelling pareho din.
“Baka co-incidence lang, hindi mo ba alam na out of millions of people in the world may mga magkakamukha, katulad din ng pagkakapareho ng pangalan at apelyedo, Kahit hindi magkaka mag anak ang mga to.”
“Yeah, ur right, I think may bago na akong kaibigan at ikaw yon, mukhang magkakasundo tayo”
“Hindi ko kailangan ng kaibigan,! Tapos kana,?
Pwede ka ng umaalis.,!” Taboy niya sa isa saka niligpit ang baonan nito. Ubos lahat pagkain dahil sa katakawan nitong isa, pero okay na yon wala na siyang kailangan papaliwanag sa lola.
“Ayaw ko! mamaya pa ang sunod na klase natin, dito muna ako.,,Please”
Hindi na muli nagsalita si Carolayn, biglang nahagip ng kanyang paningin mula sa de kalayuan si Appollo kasama ang kaibigan na naglalakad papunta kung saan. Pero agad niyang nilihis ang paningin.