Chapter 4 - If I Was Him

1046 Words
Aviella's POV It takes some time God knows how long I know that I can forget you As soon as my heart stops breakin', anticipating Kaninong playlist ba 'to? Masyado mapanakit. Hello pips, I'm on my way to University with one of my babies—Jeep Wrangler Unlimited Sahara. Actually, hindi ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko kasi... bakit gano'n? Happy crush pa ba talaga 'to? Langya talaga si barney, pinaniwala kasi ako sa I love you, you love me niya. Ayan, I love her while she doesn't ang nakuha ko :(( Wala naman akong plano for today since Friday na rin. Hindi na mawawala ang asarin si Prof Vega sa mga gawain ko today syempre. Hangga't hindi niya ako binabagsak, tuloy ang laban! Finally, after 20 minutes nakarating na rin ako. Wala naman talaga pasok ngayon dahil mga mag p-prepare lang sa performance next week ang nandito. As usual, may performance ang banda namin kaya heto ako ngayon. And I love it since another day here means another day with her, I guess? Sana nga makita ko siya ngayong araw para naman may motivation sa practice. Crush ko lang siya, okay? Si Prof Vega na 'yan e. While walking towards the University, I saw her at the parking lot... with a man. And I couldn't hide my smile 'cause I saw her smiling widely. Like there's no limits at all though it kinda stings... not because she's smiling but she's just like that with him. It's her rumored boyfriend or whatever. Natigil lang ako saglit at nang paalis na sana ako... bigla nila akong napansin. Bakit ba siya nali-link dito? Hindi naman sila bagay. "Ms. Madrigal, wait." Was all she said. Luh, 'wag kang lilingon. Hindi ako marupok okay? Tama 'yan. "Good morning, Prof. What is it po?" Leche talaga. Hindi big deal kasi happy crush ko lang siya, right? Oo, sige gaslight lang. Prank lang guys, lilingon pa rin ako. Sino ba naman ako para dedmahin siya. "I have to tell you something, meet me in my office later after your practice." She finally mumbled. "Copy, Prof." I uttered, completely puzzled with her sudden announcement. Parang ewan naman si Prof, mag e-emote na sana ako e. May pa-meet me in my office ayan tuloy... Pero maikli lang reply ko para hindi mukhang umaasa. Half joke 'yon. "Finally! Nandito na ang prinsesa." It was Rei. "Hi mga alipin ko, start your day with a smile!" Sabi ko at tamad na umupo sa tabi nila. "What's with your smile?" Dio asked, curious as always. "Ah wala 'to, nanaginip kasi ako na tatama ako ngayon sa lotto kaya nakangiti." Pag papalusot ko nalang dahil hahaba pa ang usapan. "Let's start guys, I want to go home early." Vine said. "Yea, let's start." It was Ade. ----- Sa wakas, after 2 hours of nonstop practice ay natapos din kami. May mga iniba lang kami from music to instruments, but all goods. "Let's grab lunch, my treat!" Vine uttered. "I'll pass guys, may pupuntahan kasi ako." I calmly said. Not trying to look suspicious. "Ang SUS mo diyan, baks." Dio intervened, napaka talaga. "Anong SUS? Eto suntok gusto mo?" Barumbado kong balik sa kanya. "Chill, umalis ka na nga. Hindi na ako masaya sa pagmumukha mo at nakakasawa na rin." Dio shot back, trying to shoo me out of the room. "Yea." Ade interfered. Really? Bakit ba ako na naman ang bunit ngayon. "BWHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHA" Tawa ng tatlong demonyo. Paano ba naman kasi... si Ade nag salita. Like minsan na nga lang siya iimik tapos??? Dadamdamin ko talaga 'to, oo. "Sama niyo, mabulunan sana kayo. Bye mga alipin." Pag papaalam ko bago ibinalibag ang pinto ng studio. Pinakiramdaman ko muna sila sa loob bago kumatok sa katapat na pinto. In her office. Nang walang tumugon ay dahan-dahan ko binuksan ang pinto. Wala siya ron kaya hindi na ako naghintay pa at mabilis na tumakbo sa Psych faculty. I can't explain this, but I feel like there's something wrong. Something negative kaya nagmadali ako. Baka kailangan niya ng tulong or what. Sa wakas, nandito na ako. I reached the door of the Psych faculty then there's her own space. Dr. Alexandra Aisle Vega. I knocked lightly. Silence filled in, but the door wasn't fully closed. A c***k. And curiosity is a dangerous, deadly thing. "Prof?" I called out with my low voice. I pushed the door just a little wider- And the world tilted. Prof Alexandra was there. Leaning back against her desk... with a man pressed against her, lips locked on hers. I froze. I suddenly forgot how to move. I couldn't say anything. Sana pala ay hindi na ako nagpumilit para sumilip, sana naghintay nalang ako hanggang sa marinig niya ang nakakabingi kong tawag sa kanya. Akala ko kasi kaya ako nakakaramdam ng kakaiba ay kailangan niya ako. Kailangan niya ng tulong ko pero ako ang nagulat sa nasaksihan ko. Ako yata ang may kailangan ng tulong sapagkat para akong kinakapos ng hininga. I saw her hands... her hands were on his chest as if they're lovers. Her eyes were half-lidded, open, and distant when they met mine. And that was it... That second and look. She knew I saw it. I suddenly stepped back. The sound of my boot scraping against the tile startled her. That made her push the guy off sharply. "Aviella-" But I was already walking away. No, I was running. "Aviella Eliz, wait!" She hastily said. She called after me... once, twice. Her voice sounded... desperate? Or maybe I just wanted it to be. My lungs were burning, but not because of the sprint. But because she asked me to meet her and yet I saw her there with another man... Akala ko happy crush lang, tangina nawala yung "happy" at crush nalang talaga. I'm hurting just because... Dahil ang tanga tanga ko talaga pag dating sa kanya. Akala ko ba happy happy lang kapag nagkaro'n ng happy crush? Hayop parang tinadyakan ng kabayo 'yung puso ko. Hindi ko alam, naguguluhan ako. Parang gusto ko bigla siyang hilahin kanina, na kahit wala naman akong karapatan dahil estudyante niya lang ako. Parang gusto siyang angkinin bigla. Parang pamilyar 'yung nararamdaman ko para sa kanya, na parang hindi lang nagsimula mula ng tumapak ako sa University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD