Naalimpungatan si Macy dahil gusto niya magbanyo. Madaling araw na at naramdaman niya ang higpit ng yakap ni Trevor sa kanya. Napangiti siya at hinawakan ang buhok nito. Hinalikan niya din ang noo bago kumawala sa pagkakayakap ng binata. Nakahulagpos siya sa pagkakayakap nito sa kanya.
Pagkatapos magbanyo ng dalaga bumalik na siya sa pagkakatulog katabi ng binata. Hindi na siya yumakap dito at nakaramdam naman siya ng hiya. Nagulat na lang siya ng yumakap uli ang binata at sumiksik ito sa leeg niya. Hindi na niya ito pinigil. Gusto naman niyang maramadaman ang init ng katawan nito.
Lalong humigpit ang yakap ng binata sa kanya na halos wala ng makakadaang hangin. Ang sarap sa pakiramdam ng dalaga na napakalapit na niya sa lalaking unti-unti ng nagkakaroon ng pitak sa kanyang puso. Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano dahil na rin sa alam niyang madaming nauugnay na babae sa binata. Pinapahalaghan niya ang bawat minuto na kasama niya ang binata sa ngayon para kung ano man ang mangyari sa hinaharap may babalikan siyang magandang alaala.
Hindi na muna niya iisipin ang mga negatibo sa ngayon. Ang mahalaga sa kanya kasama niya ang binata. Napapangiti ang dalaga sa pag-aalaga sa kanya ni Trevor.
Yumakap na din siya dito. Hanggat hindi ito nagigising, susunggaban niya muna ang pagkakataon na mayakap ito. Tama na muna ang hiya-hiya. Naisipan niyang nakawan ng halik ang binata at alam niyang malalim na ang tulog nito.
Bigla siyang humarap dito at nakawan ito ng halik. Papangalawa pa sana siya ng paghalik niya dumilat naman ito.
Hindi mo ba alam babe na masama ang magnakaw ng halik. Nangingiting sambit ni Trevor sa dalaga.
Tumalikod na lang bigla si Macy sa hiya dahil nahuli ito ni Trevor sa pagnakaw ng halik niya sa binata.
Naramdaman niyang natatawa ang binata.
Sige tawanan mo pa ako. Gusto mo naman eh. Kunyaring pagtatampo ng dalaga dito para magtakpan ang kahihiyan.
Of course I like it babe, I mean I love it to be exact.
Halika nga dito. Hinila nito si Macy palapit sa dibdib niya. Hindi mo naman kailangan magnakaw. You can kiss me all you want babe. I am yours.
Hinalikan na ni Trevor si Macy para mawala na ang pagakailang nito sa kanya. Masuyo lang ang paghalik niya sa dalaga at ayaw naman niyang mailang uli ito sa kanya.
Tulog na tayo uli babe. Malapit na tayo sa destination natin. Madami tayong pupuntahan bukas. Maglilibot tayo.
Ok Trev. Thank for being a gentleman. I really appreciate it. Humalik pa ito sa pisngi ni Trevor bago yumakap sa binata.
Babe can I have a request kung hindi naman nakakahiya?
Uhmm, ano yun? Kung hindi naman mabigat na request I can grant it. Sagot na lang ng dalaga na tumitig naman sa binata.
Can you call me babe? If it's ok with you. I find that endermeant cute.
Ok babe. No problem. Para na rin itaboy ang mga gustong lumapit sayo. Natatawang sambit ng dalaga dito.
Nakakatakot pala ang babe ko. Payakap nga. Wala namang mang-aagaw sa akin. Takon lang nila sayo. Tugon naman ng binata dito.
Dapat lang. Makikita nila ang reincarnated na Gabriela Silang kapag nagkataon. Saad naman ng dalaga.
Pati ako natakot na babe ah. Come let's sleep, it's almost dawn. Bago pa kita mapagsamantalahan. Mahirap kaya ang sitwasyon ko. Katabi ko ang napakagandang babae pero hindi ko man lang malambing ng may pagnanasa. Pagbibiro nito sa dalaga na kinurot naman siya.
Babe nanakit ka ha. Pero sige lang, saktan mo lang ako kung yan ang ikaliligaya mo. Handa akong masaktan maging masaya ka lang.
Aba at may hugot ka pang nalalaman Mr. Montecillo. Hindi ka naman ganyan ah.
Nagiging malalim mag-isip ang naiinlove babe. Tandaan mo yan, at minsan nagiging corny na din.
Tigilan na muna natin ang pag-uusap na nito at nagiging cheesy ka na nga babe.
Oo nga babe eh, I can't help it. I'm near you that's why I'm just being me. Niyakap na lang nito si Macy na nagsusumiksik naman sa leeg ng binata.
Don't sniff that much babe. I can't sleep. Natatawang sabi nito sa dalaga na umiba naman ng pwesto ng ulo. Malapit na sa dibdib ng binata ito nakapwesto.
That's more I like it. Good night babe kahit mag-uumaga na.
Good night too babe. Humalik na uli ito sa pisngi ng binata na sinalubong naman nito kaya sa labi ito lumanding.
You are so naughty. Sambit ng dalaga dito na tinampal naman ang binata.
Babe it was an accident. Hindi ko naman alam na hahalik ka. Maswerte lang ako talaga. Dagdag pa ng binata na siya namang humalik sa noo ni Macy.
Sa lahat ata aksidente, yun ang gusto mong ulit-ulitin. Nangingiting turan naman ng dalaga.
Boom. Nahawa ka na din sa akin babe. Let's have some sleep babe. Good night again and thank you for giving me the opportunity to cuddle you.
Good night too babe and you are so much welcome. Thank you also for bringing me to this island hoping. Sumiksik na ito sa binata at ipinikit na din ang mata.