It was a wonderful evening na kasama ni Macy si Trevor. Madami siyang nakilalang miyembro ng yacht club pero hindi niya maalala ang mga pangalan nito.
Babe are you enjoying the night? Tanong ni Trevor kay Macy na nakapagpalingon dito. Nakatingin kasi si Macy sa mga parehang nagsasayaw sa gitna. She finds it cute.
Oo naman babe. Ikaw ba? Mukhang pagod ka na. Gusto mo na bang magpahinga tayo? Tanong naman ng dalaga kay Trevor.
Yes I'm a bit tired. Saglit na lang siguro at babalik na tayo sa hotel room natin. I'll just finish my drink. Ikaw ba ayaw mo uminom? Tanong nito sa dalaga na sumimsim naman kanina ng wine.
Hindi na babe. Hindi malakas ang alcohol tolerance ko baka buhatin mo pa ako mamaya pagbalik natin sa hotel. Siguro wine na lang din, nakasimsim naman ako kanina. Hindi naman ganun kalakas ang tama kaya pwede na sa akin yun.
Ok lang din naman na buhatin kita babe. Magaan ka naman siguro at para na din makapaglambing ako sayo ng hindi mo nalalaman.
Kaya nga ayaw ko uminom at baka hindi ko alam na may ginagawa kang kabalbalan sa akin Trev. Nakataas ang kilay na sambit naman ni Macy.
That was just a joke babe. I don't do nasty things to a girl that is unawake. Hindi niya mararamdaman ang pagsuyo ko kapag wala siyang malay babe.
Madami ka talagang alam Trev.
Trev again? You're making me sad babe. Gusto ko kapag tinatawag mo akong babe. Hindi Trev. Sambit nga binata kay Macy.
Nakakalimutan ko lang. Ito naman tampo agad eh. Inusog na lang niya ang upuan malapit kay Trevor para lambingin ang binata.
Uminom na lang ng wine ang dalaga kasi hindi naman nakakalasing pero nahilo din siya ng bahagya.
Babe care for a dance? Tanong sa kanya ni Trevor na inilahad na ang kamay.
Parehong kaliwa ang paa ko babe. Baka maapakan lang kita. Sambit ng dalaga dito.
Ok lang babe. Hindi ka naman mabigat kaya hindi naman ako masasaktan. I can bear the pain. Hindi mo naman siguro sasadyaing apakan ako diba. Pagbibiro ng binata.
Sabi mo eh basta nasabihan na kita ha. I don't wanna ruin the night babe. Basta huwag mo na lang akong sigawan kapag naapakan kita. Pasimpleng bulong ng dalaga kay Trevor na kinatawa naman nito. Sumama na ito kay Trevor sa gitna para sumayaw sila.
Kinuha ni Trevor ang kamay ng dalaga at inalagay sa balikat nito samantalang ang kamay naman nito sa bewang ni Macy.
Sinasabayan lang nito ang munting kilos ni Trevor para hindi niya maapakan ang paa nito.
Just enjoy the music babe. Hindi mo naman kailangang mag-ingat para hindi mo ako maapakan. I just want to hold you like this. Bulong nito sa dalaga na lalong inilapit nag katawan nito sa kanya.
Salamat sa gabing ito babe. I really enjoyed it. Ang saya na nakasama ako dito. Pansamantalang nakalimutan ko ang mga problema pero siyempre hindi naman lahat yun mawawala agad. I just wanna feel good again. Sana hindi ka magbago pagbalik natin sa Manila. Sa pagiging busy mo kasi baka hindi mo na ako maalala.
May pagtatampo na ba agad yan babe. I will call or text you from time to time if I cannot visit you for sure.
Asahan ko yan. Tara na. Upo na muna tayo. Mukhang nahihilo ako sa nainom ko.
Wine lang naman nainom mo babe pero mukhang natamaan ka nga. Common upo na muna tayo at balik na tayo sa room mamaya. Inalalayan na nito si Macy pabalik sa mesa nila.
Kaunting kwentuhan na lang sina Trevor at Macy pagkatapos nagpaalam na sila sa grupo na babalik na sa room nila.
Napag-alaman ng dalaga na may swimming ang grupo bukas. Naka-oo na din si Trevor kaya sasama siya dito.
Is it a requirement to wear a swimsuit tomorrow babe? Hindi ko kasi alam kung carry ko na magsuot ng ganun.
Oo babe. As much as ayaw ko na magsuot ka ng ganun hindi naman ata maganda na nakashort ka babe. May maipagmamalaki ka naman kaya ipakita mo sa kanila. Huwag na lang kaya tayo pumunta babe. Baka kasi madami magkagusto sayo doon. Baka may masapak pa ako. Turan naman ni Trevor na kinurot naman ni Macy.
Wala ka bang tiwala sa kagwapuhan mo babe. Ikaw lang naman ang gwapo para sa akin eh. Wala ng iba, wala naman silang maibubuga sayo. Medyo bulol ng pagsasalita ng dalaga dahil na rin sa nakainom ito ng isang shot ng tequila na naibigay ng lider ng yacht club na hindi naman niya matanggihan.
Babe you are drunk. Gwapong-gwapo ka na kasi sa akin eh. Natatawang sabi naman ng binata dito na kuntodo alalay na sa dalaga sa paglalakad nito.
Medyo nga babe. Nahihilo na kasi ako. Diba nga sabi ko sayo mahina ang alcohol tolerance ko.
Alalayan naman kita babe. Huwag kang mag-alala. I am just here. Bulong nito sa dalaga na hinapit pa ng husto at hinalikan sa noo nito.
Malapit na din naman sila sa kwarto na inuukupa nila.
Magpalit ka muna babe ha. Maligo ka para maginhawa ang pagtulog mo at mahimasmasan ka sa ininom mo.
Ok babe. Tulungan mo lang ako maghanap ng isusuot ko babe. Hindi ko na kaya kasi maghalungkat. Please. Nasambit na lang ng dalaga at mukhang hindi talaga niya kaya pang maghanap ng isusuot.
Nakakuha naman ng isusuot si Trevor para sa dalaga. Pati undies niya ang kinuhaan din siya nito. Inalalayan din siya sa banyo.
Baka gusto mo ako na din maghubad babe. Biro ng binata sa dalaga na kinurot naman siya.
Kaya ko na babe. Huwag na kang makulit. Labas na. Pagtataboy nito sa binata na lumabas naman habang tumatawa.
Naiiling na lang si Trevor sa kakulitan ni Macy. Ilang araw pa sila sa isla at gusto niyang lubus-lubusin ang oras na kasama niya ang dalaga. Gusto niyang maglibot sa isla na kasama ito. Gusto niyang mag-enjoy ang dalaga at alam niyang madami itong iniisip. Makapaghintay naman ang balak niya sa dalaga na makakatulong sa pamilya nila. Sana lang umayon sa kanya sang pagkakataon. Piping dalangin ng binata.