Pumili na ng isusuot si Macy para sa dinner nila ni Trevor. Imemeet na din niya ang mga member ng yacht club kaya nag-ayos din siya para kahit papano presentable naman siya. Napili niyang suotin ang isang black cocktail dress na simple lang ang tabas pero nagpa-enhance ng kurba ng kanyang katawan. Hindi siya makapaniwala na ang ganda ng fit sa kanya ng damit. Mas lalo siyang pumuti sa damit na napili. Naglagay na lang siya ng lip tint at kaunting blush on para hindi naman siya maputla. Mapula na ang lips niya kaya kahit hindi na siya mag lip tint o lip stick ok na din. Nilugay na lang din niya ang mahababg buhok niya.
May tumawag sa kanya sa telepono kaya nagpatigil siya sa pagsuklay ng kanyang buhok. Si Trevor ang tumatawag kaya sinagot na niya ang tawag nito at baka importante iyon.
Hello, bungad na sagot niya kay Trevor.
Babe I was in the resto with the members already. Sabay na tayo magdinner lahat. Saad naman ng binata.
Hindi ka na ba pupunta dito? Tanong niya sa binata.
Hindi na babe, may pinag-uusapan pa kami. Punta ka na lang dito please. Sambit naman ni Trevor.
Ok, I'm just finishing my hair. I'll be there in a minute. Saan ka ba banda?
Malapit lang kami sa entrance banda kaya makikita naman kita. No worries, lalabas ako kapag malapit ka na. Just call me kapag malapit ka na.
Noted babe. I will call you. Sagot naman ni Macy na itinuloy na ang pagsuklay at umikot pa siya para tingnan uli sa salamin ang repleksyon niya. Nagustuhan naman niya ang kinalabasan ng pag-aayos kaya lumabas na din siya at nilock na ang pinto.
Nagtanong muna siya sa isang hotel staff kung saan banda ang resto para sure siya. Hindi niya kasi alam kung madami pa ang resto sa Hotel. Malaki kasi iyon at baka maligaw din siya.
Itinuro naman sa kanya ang daan papunta kaya dumeretso na siya doon.
Habang naglalakad, biglang nadulas sa kamay niya ang keycard at hindi niya napansin na may makakabangga pala siya.
Oopss, I'm sorry. Hinging paumanhin niya sa nakabangga na lalaki. Pag-angat niya ng mukha, nakita niyang nakangiti ang lalaki na gwapo at mukhang nabighani sa kanya.
Am I in heaven? Patalinghagang sambit nito kay Macy.
Mister I'm sorry, hindi ko kasi nakita dinadaanan ko kasi nalaglag yung hawak kong keycard.
It's ok. Mabuti nga yun at nalaglag kasi nakakita ako ng anghel. Sabay kindat pa nito sa dalaga na kinapula ng mukha nito.
Naku, nambola ka pa mister. Pasensya na nagmamadali ako eh. Iniwan na niya sana ang lalaki ng hawakan nito ang kamay niya.
Wait, hindi ko pa nga nalalaman ang pangalan mo eh.
Macy, kiming sagot naman ng dalaga.
Ihatid na kita. Mukhang alam ko kung saan ka pupunta. Resto ba? I was also there with some friends. Pupunta lang sana ako sa room ko pero nakabangga kita kaya nag-aalangan na akong pumunta ng kwarto at baka hindi na kita makita pa uli. Walang prenong sagot naman nito kay Macy.
Ahhm, Jared nga pala. Nakipagkamay pa ito sa dalaga.
Inabot naman ng dalaga ang kamay ng lalaki ang baka sabihin namang bastos siya.
Nice to meet you Jared. Saad ni Macy habang naglalakad sila. Bigla na lang may humawak namg bewang niya at ng tingnan niya mukha ni Trevor na mukhang manununtok na.
Babe why it took you so long to get here. I am waiting for you. Tanong nito sa dalaga na tumingin naman sa kasama nito.
Jared I was thinking na pumunta ka sa kwarto mo kaya ka nagpaalam. Takang tanong nito sa lalaki na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.
Oo nga dapat pare kaso nakabangga ko si Macy so nagsabi na lang ako sa kanya na ihatid siya kung saan siya pupunta kaya kami magkasama.
So name basis na pala kayo ng babe ko. Tanong pa uli ni Trevor sa lalaki.
Siyempre kailangan naman natin na kilalanin ang isang magandang babae na katulad nito. Parang hindi ka naman ganyan pare ah. Pagbibiro nito kay Trevor.
Pare what's mine is mine so back off. Lalo pa nitong dinikit ang katawan sa dalaga.
Pasensya na pare. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa nobya mo. Ang swerte mo sa kanya kaya huwag mong pakawalan yan. Madaming mag-aabang. Kidding aside pare, I was just mesmerised by Macy's beauty. Huwag mong sasaktan pare.
Oo naman pare. I am so damn lucky because of her.
So paano pare, punta lang ako saglit sa room at baka dumating na din ang date ko at baka ma-op ako mamaya. Sambit na lang nito at iniwan na sila ni Macy.
Ok, see you in a bit. Bilisan mo na at dinner time na din. Tinapik pa nito sa balikat so Jared na umalis naman agad bago tapunan ng tingin si Macy.
Pare akin na yan. Huwag ng pasimpleng tingin.
Humahanga lang pare. Possesive ka masyado. Natatawang sambit naman ni Jared at kumaway na sa kanila.
Babe akala ko talaga naligaw ka na. Ang tagal mo kasi. Yun pala kasama mo ang isang playboy. Kaya nga ayaw ko na mag-isa ka lang na maglalakad, napapaibig mo talaga ang mga lalaki kahit may mga jowa na.
Hindi naman ako papaagaw babe. Hinawakan pa nito ang kamay ng binata at inakay na pupunta sa resto.
Habang papasok sila at papunta sa dereksyon ng mga miyembro ng yacht club, napapatingin siya sa mga nakaupo na walang tulak kabigin sa kagwapuhan.
Akala ko ako lang gwapo para sayo babe. Mukhang lahat ata tinitingnan mo ah. Naiinis na wika ni Trevor.
Babe ikaw lang ang gwapo para sa akin. Gwapo din naman sila lahat pero lamang ka naman ng mga isang timbang paligo. Pagbibiro naman ni Macy.
Ikaw talaga. Tara na pakilala kita sa kanila. I am proud na ako ang kasama mo. By the way babe, I love your dress. It looks good on you. Lalo ka talaga gumanda. Hindi ko na bibitwan itong kamay mo at baka pagbitaw ko hawak na ng iba.
May paghugot ka pa babe ha. Don't you worry hindi rin ako bibitaw. Unless magbanyo ako. Need ko talaga bitawan kamay mo. Sambit naman ng dalaga kay Trevor.
Baka pwede babe kahit sa banyo sasama ako. Pagbibiro nito sa dalaga.
Loko-Loko ka talaga. Tara na nga baka ako na naman sabihin mo. Saad uli ni Macy.