~~o~~o~~o~~o~~
Ang Pagsilang sa Tagapagmana
Isang taon ang matuling lumipas sa buhay ni Karry, na magpahanggang sa ngayon ay nangungulila pa din sa pagkawala ng kanilang mga magulang
Punong puno ng kalungkutan at paghihinagpis ang nasa puso niya dahil sa maagang pagkawala ng mga ito sa kanilang piling
Kahit na nalulungkot ay tiniis pa din ni Karry para mapangalagaan ang kanilang nasasakupan dahil may mga ibang lahi ng mga kampon ng kadiliman na gusto silang puksain
Ito ang lahi ng mga taong lobo, na kumakain din ng karne ng tao, mga bampira at ang mga halimaw na walang mukha kundi bunganga lang ang nakakabit sa ulo nito at ang tainga, pero malakas ang pang amoy ng mga ito
Ginagamit nila ang kanilang pang amoy para sa kanilang pag kain at ang pandinig para madinig ang malakas na paghinga at pag t***k ng puso ng kanilang bibiktimahin
Pero hindi pumayag si Haring Karry na mapuksa at mapabilang sa mga ito ang kanilang lahi kahit na ipinagpipilitan pa iyon ng kanyang kuya, kaya lalo itong nag ngitngit sa galit sa kanya
May pamilya na din ang kuya Serafino niya at buntis na ang asawa nito na isang mataas na uri ng aswang na nakilala nito sa bayan
Masaya siya para sa kanyang nakatatandang kapatid kahit alam niyang hindi ito masaya sa kanyang pamumuno at sa pagiging Hari ng kanilang mga kalahi
Pero hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin, dahil nakatuon ang kanyang buong atensiyon sa kanilang kaharian
Isang umaga, bumaba sa bayan si Karry para bisitahin ang ilang kalahi na nakapangasawa ng mortal, kinamusta niya ang mga iyon bago nag ikot ikot sa bayan
Isang babae naman ang nakapukaw ng kanyang pansin at interes,
Isang napakagandang babae, naglalakad kasama ang tatlong babaing alalay nito, pinapayungan ang magandang dalaga habang namimili
Maputi ito, balingkinitan ang katawan, mahaba ang buhok na kasing itim ng gabi, napaka ganda ng buhok nito na nangingintab kapag natatamaan ng sikat ng araw
Napapangiti siya kapag nakikita niya itong napapangiti din dahil sa mga biruan ng mga kasama nito
Nang iwanan ito ng tatlong kasamang babae ay nakakuha siya ng pagkakataon na lapitan ito at makipagkilala sa dalagang bumihag sa kanyang puso sa kauna unahang pagkakataon
"Magandang araw, binibini," magalang niyang bati kahit na isa siyang hari, yumuko pa siya bilang pag galang sa kaharap niya
Tinignan muna siya nito mula ulo hanggang paa dahil sa napaka simple niyang pananamit na kung titignan ay para lang siyang isang ordinaryong mamamayan doon at hindi isang Hari
"Magandang araw naman, Ginoo," nakangiti nitong sagot sa kanya matapos siyang pasadahan ng tingin,"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?,"
"Nais ko lang sana makipagkilala sa isang katulad mo," pahayag niya,"Ako nga pala si Karry, ikaw ano ang iyong pangalan?," sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan nito
"Ako si Mayumi," nakangiti nitong turan sabay abot ng kamay sa kaharap, na nakangiti pa," Karry? Ikaw ba iyong Hari ng mga aswang sa kabilang Nayon?," tanong sa kanyan ng kaharap
"Ah, eh, oo," nahihiya niyang pahayag sabay kamot sa kanyang ulo
"Ako naman si Prinsesa Mayumi," pagpapakilala nito sa kanya," Isa akong Prinsesa ng lahing bampira," dagdag pa nito sa kanya
Natahimik si Karry ng malaman na isang dugong bampira ang kanyang kaharap, na isa sa mga kalaban nilang lahi na kumakain at sumisipsip ng dugo ng mga tao
"Hindi kami ang kaaway niyo," ani nito ng makita ang pagkagulat sa mukha niya at inaakalang kalaban nila ang kaharap,
"Mabutin naman," sagot niya sa kaharap,"Kung isa kang bampira paano ka nakakalakad sa gitna ng katirikan ng araw? Pati ang mga kasama mo? Pati ba ang buong angkan niyo?,"
"Mga normal lang silang tao," sagot nito sa kanya,"Sa aming angkan ay ako lang ang tanging naiiba at nakakalakad sa gitna ng araw, halos lahat ay sa gabi lang nakakalabas,"
"Ah, kaya pala," napatango nalang siya,"Ang mga kalahi mo pumapatay ba sila ng tao? Marami bang katulad niyo na umiiwas sa dugo ng tao?,"
" Hindi," napailing nalang si Mayumi sa kanya,"Oo, marami kami pero iba kami sa kanila, tulad niyo ay umiiwas din kami sa dugo ng tao," natatawang paliwanag nito sa kanya na kanya namang ikinatuwa
"Akala ko kalaban kayo," napapangiti niyang turan sa dalaga," Na hindi ko naman kayang tanggapin matatanggap,"
Napakunot noo lang ang dalaga sa kanyang tinuran kaya napangiti nalang siya
Niyaya niya itong kumain at mamasyal habang hindi pa bumabalik ang tatlo nitong kasama na nag ikot ikot
Iyon na nag ang naging simula ng pagiging magkaibigan nilang dalawa, halos araw araw kung sila ay magkita at mamasyal sa bayan na hindi naman lingid sa kanyang kuya at sa amang hari ng dalaga
Ang isang relasyon mula sa pakikipagkaibigan ay nauwi sa pag iibigan, niligawan ni Karry ang magandang dalagang bampira hanggang sa mapasagot niya ito
Humarap siya sa ama nitong Hari at sa inang Reyna, nagbigay galang para sa panunuyo niya sa dalagang anak nito,
Tutol ang nakakatandang kapatid ng dalaga na mahaluan ng pagiging isang aswang ang kanilang lahi na purong bampira
Pero wala silang nagawa dahil kagustuhan din ng kanilang bunso ang nasunod at isa pa ay mahal na mahal na nito si Karry ayaw na niyang mapalayo pa dito simula ng makilala niya ito sa bayan
Halos magpuyos naman sa galit si Serafino dahil naunahan na naman siya sa babaing pinapangarap niya noon pa man, kahit na may asawa at magkakanak na sila
Mas nauna siyang makita ang dalagang si Mayumi pero wala siyang lakas ng loob na lapitan at magpakilala dito dahil nayayabangan ito sa kanya at nalaman din nito na may asawa na siya
Iyon na sana ang huling alas niya para maging katapat niya ang kapatid sa katayuan nito pero naunahan na naman siya nito sa huling pagkakataon kaya lalo siyang nagpuyos sa galit
Kaya niyang patayin ang kanyang asawa mataoos iyon magsilang kung inibig sin siya ni Mayumi, pero huli na ang lahat dahil kay Karry na ito umibig
"Anong plano, Mahal na Prinsipe?," tanong ng isang tagapayo niya sa kanya
"Papatayin ko sila!!," galit na sigaw nito sabay nagpalit ng anyo na isang napakalaking aso na nakatayo sa harapan ng matanda
Nahintatakutan ang kanyang asawa kaya mabilis iyong umalis sa harapan niya at ng matanda
"Malapit mo na itong makamtam kamahalan," bulong na pahayag nito bago iniwanan ang kanilang itinuturing na Hari
Makalipas ang isang buwan na preparasyon para sa kasal ng dalawa at pag iisa ng dalawang lahi ay ikinasal na din ang mga ito sa araw kung saan ganap ang kabilugan ng buwan
Masayang masaya ang dalawang puso dahil nakatali na sila sa isa't isa at habang buhay na magsasama kasama ang kanilang mga magiging supling sa hinaharap
Ipinamana naman kay Mayumi ang trono ng kanilang ama at isa na siyang Reyna ng mga bampira dahil nauna siyang mag asawa sa kanyang nakatatandang kapatid na lalake
Katulad ni Serafino ay nagpupuyos din ito sa galit at nakipagkasundo sa lalake para magapi ang dalawang taon umagaw sa kanilang magiging trono sana, nagplano ang dalawa kung paano nila magagapi ang kanilang mga kapatid
Lumipas pa ang ilang buwan ay nalaman nilang lahat na nagdadalang tao na si Mayumi, isang anak na magmamana ng kanilang kalakasan at lahing pinagsama
"Saka na natin ituloy ang plano," ani ni Greg ang nakatatandang kapatid ni Mayumi," Hintayin natin na maisilang ni Mayumi ang anak nila, sa pagkakataong iyon ay mahina pa siya,"
"Sige," sang ayon naman ni Serafino sa kapanalig niyang bampira, alam nito malakas din si Greg kaya kailangan din nila ang tulong nito
Halos masaya ang magkabilang panig ng malamang mag kakaanak na sina Mayumi at Karry, isang batang magmamana ng lahat sa kanilang taglay na lakas at kapangyarihan
"Sa pagbilog ng buwan," ani ng babaing kasama ni Mayumi," Isisilang ang isang sanggol na lalaki, na magmamana ng pinaghalong dugo ng bampira at ng isang malakas na aswang, siya ang magiging Prinsipe ng dalawang lahing iyon, Kamahalan,"
"Lalake ang magiging supling namin?," masayang tanong ni Mayumi, na ikinatango lang ng kanyang manggagamot
"Opo, Kamahalan," pagsang ayon nito,"Isang malusog at malakas na batang lalake,"
Napapangiti naman si Karry dahil sa nalaman, may susunod at papalit na sa mga yapak niya at iyon ang hindi na niya maipaghihintay pa, ang makita ang isisilang na una nilang anak
Halos lahat ay hindi na mapalagay dahil sa pag nanais ng masilayan ang isisilang na Prinsipe ng dalawang lahi, na ilang araw nalang ay makikita na nilang lahat
At ang araw na iyon ay ang kabilugan ng buwan na para sa kanilang lahat ay isang malaking biyaya dahil sa mismong araw na iyon isisilang ang isang nilalang na babalanse sa lahat niyang kalahi, mapabuti man o mapasama ay siya na ang makakalam doon
"Masakit na ang tiyan ng Kamahalan," ani ng manggagamot na kaibigan ni Mayumi," Ano mang oras ay magsisilang na siya mahal na Hari,"
"Ihanda ang lahat ng kagamitan at bantayan ang labas ng kanyang silid," utis ni Karry sa lahat ng kanyang maaasagang tauhan at kakampi
Agad naman pumasok sa loob ng silid ni Mayumi ang babae at inasikaso na niya ito, halos maligo na ito sa pawis dahil sa paghihirap sa pagsilang
Isinarado lahat ng babae ang pintuan at bintana pra walang makapasok na masamang nilalang na magnanais na kainin ang anak ng kanilang kamahalan,
"Malapit mo ng maisilang ang iyong anak," bulalas nito sa kanya ng makitang tinatagasan na siya ng dugo sa pagitan ng kanyang mga hita
"Hindi ko na kaya, Alfie," tugon niya sa kaibigan at kababatang manggagamot
"Umire ka lang at ako na ang bahala," tugon na sa kanya na kanya namang sinunod
Ilang pag ire ng malalakas at paghinga ng malalalim ang ginawa ni Mayumi bago niya naisilang ng ligtas ang isang anak na lalake makalipas ang halos dalawang oras niyang paghihirap
Umalingawngaw sa buong silid hanggang sa labas ang pag iyak ng kanilang unang supling na ikinatuwa naman ni Karry ng madinig ang pag iyak niyon
Agad niyang pinuntahan ang silid nilang mag asawa para makita ang kanyang mag ina na maayos ang kalagayan at ligtas
Samantala, nag hahanda na ang hukbo nila Serafino at Greg sa paglusob sa kaharian habang abala pa ang lahat at mahina pa ang kapatid ng huli dahil sa panganganak
~~o~~o~~o~~o~~