Chapter 01

1051 Words
UYC01 After kong umiyak inayos ko muna ang sarili ko at nag drive na pauwi. Buti pag-uwi wala pa sila mama at papa. Baka hindi na naman sila siguro umuwi dahil busy padin sa trabaho. At mas okay yon para hindi nila malaman itong nangyari sa akin. Pagkatapos ko maligo nahiga na ako. Matutulog na sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Patricia calling.... Sinagot ko na at baka may sasabihin ang malandi kong bestfriend. Iww sa bestfriend. "Hello? Bakit malandi kong bestfriend? What do you want?" "Cean, I'm sorry. I'm really sorry hindi ko sinasadya ang ginawa ko sayo sana mapatawad mo ako. Alam kong mali ang ginawa ko kasi magkaibigan tayo pero mahal ko din eh." "Ops. Sorry is not valid. Malandi kong friend kung kaibigan talaga ang turing mo sa akin hindi mo magagawa iyon. Alam mo sa sarili mo na mali ang ginagawa mo ngunit ipinagpatuloy mo pa din ito. Kaya ang masasabi ko lang sana ay ito na ang huli nating pag uusap at take note bahala ka na sa buhay mo ngayon huwag ka ng umasa sa akin." "Cean, huwag naman ganito. Please. I'm sorry. Best friend pa din naman tayo hindi ba? Kapag magkaibigan nagbibigayan di'ba?" "Nagbibigayan my ass. Well, I'm sorry my sl-t friend hindi ako mabait ka kayang makipagbigayan." Pagkatapos non binabaan ko na siya. Bwiset! Nakaka-asar. Nawala tuloy ung antok ko. Hayss. Makalabas na nga lang. Pumunta ako sa convenience store na medyo malapit sa amin. Mga 5 mins kong nilakad yon. Bumili lang ako ng pagkain ko pagkatapos umuwi na din agad ko. Sa kwarto ko nanonood lang ako ng movie na nakakaiyak habang kumakain ng binili ko kanina. Naalala ko na naman tuloy ung nangyari kanina. Pinatay ko na ung tv dahil naiinis lang ako dahil umiiyak na naman ulit ako. Kasi naman siya lang ung lalaking in-entertain ko eh sa dami kong manliligaw siya lang. Kasi akala ko seryoso siya sakin. Unang kita ko palang sa kanya gusto ko na siya. Sabihin nyo ng ang oa pero yun ung totoo na love at first sight ako sa gago na yon. Ang sakit lang isipin na sa lahat ng pwedeng manakit sakin bakit siya pa? Ang sakit sakit lang ng ginawa niya sakin. Kasi nag assume ako na gusto at mahal niya talaga ako. Kasi hindi naman ako mag aasume kung hindi niya sakin pinaramdam na gustong gusto niya talaga ako at sobrang mahal niya ako. Imagine araw-araw kaming mag ka text at magkatawagan. Tapos sobrang sweet niya sakin at sobrang effort nung nanliligaw siya sakin. Tapos nung naging kami na mas lalo siya naging sweet at ma-effort sakin. Sa twing lumalabas kami nakahawak pa siya palagi sa bewang ko o diba ang sweet lang. Tapos hinahatid niya pa ako samin tapos bago ako pumasok sa bahay hinahalikan niya pa muna ako sa noo. Tapos magt-text siya sakin pag nakauwi na siya sa kanila. Sinong tanga ang hindi mahuhulog sa ganyan diba lahat naman tayo marupok eh pagdating sa taong gusto natin. Tapos ung mga banatan namin sa isa't isa na nakakakilig kahit walang kwenta at connect minsan. Tapos sasabihin niya pinaglaraun niya lang ako. Wow. Ganda pala ng laro niya sobrang ganda. At sa sobrang ganda ng laro niya ako ung natalo. Ako ung naging talunan sa huli. Ako ung nag mukhang tanga na umasa na gusto at mahal din niya ako. Ako ung nag mukhang kawawa sa huli. Iyak lang ako ng iyak habang inaalala ko ung mga pinag gagawa niya sakin na para bang wala lang sa kanya lahat na yon. Kung alam ko lang na laro lang pala yon dapat pala hindi ko na sineryoso. Ang sakit sakit lang ng ginawa niya sakin. At isa pa pala ung kaibigan kong malandutay din. Alam niya na ngang ako ung girlfriend non pinatulan padin. Sobra kong pinagkatiwalaan ung kaibigan ko na yon na akala ko hindi niya magagawa sakin yon. Ang sakit lang kasi tinuring ko siyang parang kapatid ko na tapos ganito ung igaganti niya sakin. Ang dami kong ginawa sa kanya at binigay hindi man lang siya nag isip bago gawin yon kung ano ung mawawala sa kanya. Kaya ngayon magdusa siya at sana matuto na siyang tumayo sa sarili niyang paa. Dahil wala na ako sa likod niya para saluhin siya sa twing nadadapa siya. Ang sakit ng ginawa niya at ng letche kong ex-boyfriend na walang kwenta at bagay lang sila na magsama. Ano ba kasi ang mali sakin? Bakit nila ginawa sakin yon? Sobra akong nasaktan sa ginawa nila. Lahat naman ng ginawa ko sa kanila ay alam kong tama. Sobrang bait ko nga sa kanila eh tapos ang laki pa ng tiwala ko sa kanila. Bakit nila ako sinaktan ng ganito? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Hindi ko na alam. Ako ba ang may kasalanan? Ako ba ang nag kulang sa kanya? Oo inaamin ko na minsan hindi ako nakakapag message sa kanya kasi busy ako sa trabaho ko. Tapos hindi ako minsan nakakapunta sa date namin kasi may biglaang meeting. Pero sinasabi ko naman sa kanya yon at sabi niya naiintindihan niya daw. Pero ano 'tong ginawa niya sakin? Dahil ba sa pagkukulang ko ng oras sa kanya kaya siya nag cheat? Ay wait, Oo nga pala in the first place hindi nga niya pala talaga ako gusto I forgot. Pero kasi naman kung hindi niya ako gusto bakit niya ginawa sakin 'to? Bakit umabot pa kami ng isang taon eh niloloko niya na pala ako? Ang sakit sakit lang kasi talaga. Unang beses akong nagmahal ng sobra at unang beses din ako nasakatan ng sobra. Hindi ko alam kung makukuha ko pa bang magmahal at mag tiwala ulit. Dahil sa ginawa nila sakin feeling ko unti unti na akong magbabago at mat-trauma sa nangyari sakin na ito. Sabi pa naman nila "first love, never dies". Pero kung hindi man mamatay ang pagmamahal ko sa kanya ako na lang ang papatay sa kanya. Just kidding. Buong magdamag akong umiyak ng umiyak hanggat wala ng lumalabas na luha na mata ko. Narealize ko na dapat pala hindi ako sobrang magtitiwala agad sa isang tao kasi tingnan mo ngayon ung nangyari sakin sa sobrang tiwala ko sa kanila hindi ko na isip na magagawa nila sakin yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD