Chapter 02

872 Words
UYC02 Kinabukasan pag gising ko namamaga mata ko kasi naman magdamag akong umiyak kagabi. Hindi ko alam kung hanggang kelan ba ako magdudusa ng ganito. Mag iiyak ng ganito sobra kasi akong nasakatan eh. Mapanakit sila. Kasalanan ng Mcdo 'to dahil sa kanila nagbreak tuloy kami. Just kidding. Masarap ung pagkain sa Mcdo promise pero kahit kailan hindi na ako kakain don at baka maalala ko ang masalimuot na nangyari sakin don. Pagkababa ko ng hagdan at pumunta ng kusina nakita ko si Aling Myrna na naghahanda ng breakfast. Si Aling Myrna ay matagal na naming kasambahay simula pa nung grade school ako. Kaya magaan na ang loob ko dito at minsan pumunta din dito ung anak niyang si Anika na kaedaran ko din para tumulong sa kanya dito. "O gising ka na pala Genesil. Mag agahan ka na hija." "Opo Aling Myrna. Sumabay na din po kayo sakin." "Osige ba hija." Kadalasan ng nangyayari samin 'to ni Aling Myrna na magkasabay kumain dahil minsan lang umuwi sila mama at papa dahil busy sa trabaho. At si ate naman minsan lang umuwi dito dahil may condo naman siya. Pag wala siyang lipad pumunta siya dito minsan. Tourism Graduate ang ate ko at ako naman Business Management. Nagtatrabaho ako sa kompanya ng mga Hidalgo hindi naman ito gaanong kilala at malaki pero maganda ang pagpapatakbo at pagpapasahod. Kaya ito din ang pinili kong pagtrabahuan ko kaysa doon sa pinagtatrabahuan nila mama sa Eleazar Company ayoko don e. "Genesil, anong nangyari dyan sa mata mo at namamaga?" "Ah eto ba wala ito ate Myrna. Nagbreak na kasi kami ng boyfriend ko na pinakilala ko sa inyo non." "Ay bakit naman kayo nag beak ay?" "Niloko po ako. Nag cheat siya sakin at ang masama po don ung best friend ko po ang pinalit. Tapos ang totoo po pala talaga niyang gusto eh ung kaibigan ko at hindi ako. Pinaglaruan lang po ako non. Mga walang hiya po e." Buti na lang talaga kay Aling Myrna ko lang naipakilala yon at hindi sa parents at ate ko. Buti na lang talaga. "Ay ganon ba. Siraulo pala yon. Dapat hindi ka na niligawan kung hindi naman pala ikaw ung talagang gusto." "Oo nga po. Pero hayaan na lang po natin dadating din po ang karma sa kanila." Pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa kwarto ko. Naligo ako at nag cellphone lang. Nagpasya akong mag pahinga muna ng tatlong araw sa aking trabaho. Nag email ako sa aking pinagtatrabahuhan upang humingi ng permiso kung maaari ba akong mag day off ng tatlong araw. Hindi nagtagal nakatanggap ako ng reply mula sa kanila at pinayagan naman ako na magkaroon ng day off. Hindi ko pa kayang isipin ang lahat ng nangyari sakin sobrang nakakabigla at hindi ko talaga inaasahan na mangyayari iyon sakin. Sobrang sakit isipan na habang nasa trabaho ako at busy sa aking buhay silang dalawa naman ay busy sa isa't isa. Hindi sa ayaw kong manumbat ngunit grabe ang gastos ko sa kanilang dalawa. Lahat ng gusto nila binigay ko para sa kanina kasi mabait akong kaibigan at girlfriend pero sa huli ganito lamang ang igaganti nila sa akin. Sana maging masaya sila sa ginawa nila sa buhay nila. Nasa bahay lamang ako sa buong tatlong araw ng day off ko gusto ko lamang mapag isa at magmunimuni. Wala akong ginawa kundi ang manood ng movie or korean drama kahit doon man lang makalimutan ko ang aking mga problema. Kinabukasahan maaga akong umalis sa bahay para pumunta sa bangko at nahulog ng pera. Marami akong tinitira na perang cash sa akin kasi madalas manghiram sa akin si Pat. Ngunit hindi ko na ito ipinapapabayaran dahil nga mabait ako at kaibigan ko siya. At hindi ko namalayan na unti unti na pala nilang inaabuso ang pagiging mabait ko sa kanila. At sa sobrang kabaitan ko hindi ko man lang napansin ang panloloko nila sa akin patalikod. "Hoy sis, buti naman at pumasok ka na sobrang tagal mong nawala namiss ka namin lalo na ung kadaldalan mo."bungad sakin ni Ania. "Oo nga sis bakit ka naman nag day off bigla hindi mo man lang kami in-inform sana kami din nag day off."Si Mary. "Sorry na po mga sis may nangyari lang po. Sa susunod inform ko na kayo para maka gala naman tayo ulit." "Ayon ganon sana. Madami kang gagawin ngayon dahil ng day off ka. Kaya fighting!"Si Faye. Si Ania, Mary at Faye ay kaibigan ko dito sa office lahat sila sobrang close ko. At sobrang thankful ako kasi naging friends ko sila sobrang sarap nila kasama as in lahat kami magka ka vibes. Nakakasundo sundo kami sa lahat. Tama nga si Faye ang dami kong gagawin na trabaho. Hays. Kaya mo'to Cean basic lang yan. Sa sobrang dami kong ginagawa muntik ko ng makalimutan na lunch na pala kundi pa ako tinawag nila Ania baka hindi na ako nakapag lunch. Maraming mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari kaya minsan nakakatakot sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Ngunit ganito naman talaga ang buhay natin hindi natin hawak ang panahon hindi natin alam ang posibleng mangyari kaya wala tayong ibang magagawa kundi ang sumugal at magtiwala na lamang sa plano ng Poong Maykapal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD