SID:
Handa na ang lahat para sa birthday party ko ngayong gabi.
Nasa kuwarto ako habang abalang binibihisan ng isang kilalang make up artist at hair stylist sa showbiz industry
Kakagaling lang ni Mama dito sa kuwarto ko ayon sa kanya nagsimula ng magsidatingan ang mga bisita pati mga kaibigan ko..nasa baba na rin daw ang lahat ng ka-teammate ni Kuya..
Nakaramdam ako ng excitement ano kaya ang sout ni Zack?
Di ko maiwasang di siya isipin.
di naman siguro masamang pagbigyan ko ang sarili ko kahit sa kahuli-huliang pagkakataon lang.
Isang white elegant gown ang isusuot ko mamaya na ipinasadya pang ipagawa ni mama sa isang sikat na Fashion designer sa bansa.
My Mother is Ex-Beauty Queen title holder ng pilipinas kaya marami syang connection sa Fashion world at Showbiz Industry.
I'm busy watching my reflection on the life size mirror in my front when someone knock the door.
"Who's that?"
"Its me Sid'
Boses ni Kuya Nate ang narinig ko..
"Get in Kuya"
Bumukas ang pinto at iniluwa nun si kuya Naka suot ang itim na tuxedo..
Wow! Nalaglag ang panga ko.
Kuya is so handsome!
Pati dalawang baklang kasama ko di maiwasang di mapa Wow!
"How do i look baby Sid"
Ngumiti ito at kumuha ng isang upuan at tumabi sa akin..
"Are you kidding me kuya maraming maglalaway sayo ngayong gabi"
"Baka sinasabi mo lang yan kasi kapatid kita"
"NO kuya.Totoo talaga promise you're the handsome Kuya I've ever had right guys?"
Lumingon ako sa dalawang bakla at magkasabay pa silang tumango..
"Kuya..nandyan na ba si Zack?"
Bumuntong hininga ito at tiningnan lang ako..
"Tumawag siya sa akin.baka daw malalate siya ng dating may aasikasuhin pa daw na importante"
Di ko maiwasang malungkot.
Ano pa nga ba ang inaasahan ko kay Zack..eversince alam ko naman na di naman ako ganun kahalaga para sa kanya..
"Hey Cheer up baby..sabi niya kahit na late na darating siya ok..i know Zackary may isang salita siyang tao"
Ngumiti ako ng pilit kay Kuya Nate..
Pero ang totoo di na ako umaasang makakarating pa siya..
Tumayo si kuya at tinapik ako sa balikat..
"Baba na ako Sid..marami ng bisita be prepared at 8:00 pm ha.."
Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin habang papalabas ng pintuan..
Bumuntong hininga ako..
Kahit pala sa kahuli-huliang pagkakataon na itinalaga ko sa sarili ko di ko parin pala makakasama si Zack..
Nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib..
"Miss Sidney..ok lang kayo?"
Nag aalalang tanong ng baklang nag aayos ng buhok ko..
Ngumiti ako at tumango dito..
" I'm Fine nakaramdam lang ako pangangalay"
Pagsisinungaling ko sa kanila..
"We can take a break if you want"
"No its ok..we are running out time na"
Ngumiti lang ang bakla..
"You know what..may kaibigan akong model scout..gusto mo ipakilala kita..Sa ganda mong yan pwedeng pwede kang catwalk queen"
"No thank you..pero wala sa pagrampa hilig ko..mas gusto kong irampa ng mga model ang creation ko sa Fashion World"
"Here take my calling card just in case na mag bago ang isip mo..just give me a ring ok"
Tinanggap ko ang ibinigay niyang calling card at inilagay sa bag ko
"Itong beauty mo..di lang pang local..pang International pa Anong sinabi ni Kate Moss at Giselle Bunchen sayo pag naayusan ka"
Giit parin ng bakla talagang desidido akong kumbinsihin ako
Ngumiti lang ako sa kanila..marami na rin ang nakapag sabing mukha daw pang model ang aura ko..bukod dun matangkad ako at masyadong slim ang pangangatawan ko..
Siguro namana ko Ang features ko Kay Mommy kasi dating beauty queen tittle holder.
"Hayan..tapos na ang hair mo Miss Sidney.
Tiningnan kong muli sarili ko sa salamin.
Kamuntik ko ng di makilala ang sarili ko sa ayos ko..
"Now the finale"
Pumalakpak ang isang bakla dala-dala ang gown ko..
Mabilis nila akong binihisan...
Sabay na pumasok sa kuwarto ko sina Mommy at ang event organizer..
"Wow dalagang-dalaga na talaga ang baby ko"
Naiiyak na sabi ni Mommy..napaluha pa ito habang yakap-yakap ako ng mahigpit..
"Thank You Mom..for your Unconditional love"
Di ko maiwasang di rin mapaiyak ang mata ko..
"No more tears! Ang make up masisira!"
Singit ng make up artist na bakla..
Nagkatawanan kaming lahat sa loob ng kuwarto
"Sige baba na kaming lahat Miss Sidney..pag nagmiskol ako sa phone mo..hudyat na iyon na lumabas kana at bumaba sa hagdanan ha"
Tumango ako at ngumiti sa kanila..
So this it!
Huminga ako ng malalim habang sinusundan silang papalabas sa pintuan..
Kompleto sana ang happenings ko kung nandito lang si Zack..
Pero alam kong di na iyon darating..
Napipilitan lang naman siyang magpakabait
sa akin dahil kay Kuya..
Muli akong humarap sa salamin..
Pinagmasdan ko ang sarili ko..
"Time to move on Sidney Kate,Zack is just a dream you need to wake up and live for the reality"
***************************************
Unti-unti ng nagsisiuwian ang mga bisita sa party ko.
ilan lamang ang natitira..halos mga kabataan lang na katulad ko..
Malalim na kasi ang gabi.
Nagpaalam na sina Mommy at Daddy na maunang matutulog..may pasok pa kasi si Daddy sa Opisina bukas..
Si kuya Nate naman di ko mahagilap..
Di ko alam kong saan siya pumunta..
Si Crystal at Elle lamang ang natira sa mga kaibigan ko..
Silang dalawa ang closest friends ko..pero sa kasamaang palad mukhang lasing na sila..
Lumapit ako sa kanilang dalawa..pagdating sa inuman..di talaga matatawaran anf galing ng dalawang ito..
"Hey..Girls dahan-dahan sa alak"
"Uhmmm..the..debutante..come and join us..Sid..after all your in legal age na.."
Umupo ako sa tabi nila..
Nagsalin Scotch whisky sa isang baso si Elle..
"take this Sid"
Dahan-dahan kong kinuha ang basong may lamang alak..
Di ako masyadong umiinon na tao..
Occasional lang..kasi kahit konti lang naiinom ko madali akong malasing..
Kaya nga kanina sa kasagkagan party ko iniwasan kong uminom ng kahit na anong akak dahil pag nalalasing ako..I cant handle my self..at isa pa baka makasama sa kondisyon ko..
Straight kong nilaklak ang kalahating basong inumin..
Tuwang-tuwa naman ang dalawa..
Nagsalin uli sila sa baso ko
Hindi lang dalawa..tatlo..apat..di ko na mabilang..pakiramdam ko parang ang gaan-gaan ng katawan ko..
"Sama..talaga ng ugali ni Zack..isipin nyo gurls di man lang nagawang sumilip sa birthday ko?"
Pero di na nagawang sumagot ng dalawa..mukhang tulog na ang mga ito sa mesa..kanina pa kasi sila umiinom..
Iginala ko ang paningin ko tanging mga taga catering service lang natitirang tao..nagliligpit ng mga gamit at mga upuan..magpapatulong na lang ako sa kanilang iakyat ang dalawa sa guestroom namin..
Sinenyasan ko ang isang waiter na lumapit sa akin..
Agad naman itong lumapit sa akin..
"Yes Maam.."
"Can u help me for my friends? Dadalhin lang natin sa taas.."
Ngumiti ito sa akin at tumango..
Tinawag ko ang isa sa mga katulong namin..
Siya na lang ang bahalang magturo sa waiter kong saan ang guestroom..
Feeling ko di ko narin kayang umakyat..hilong-hilo na ako..tumatalab na ang alak sa boung sistema ko..
Isinandal ko ang ulo ko sa upuan..habang sinusundan ang waiter na umaakyak sa hagdanan habang karga-karga ang isa sa mga kaibigan ko..
"Happy Birthday Sidney Kate"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko..
It's him!
Kahit lasing ako kilalang kilala ko ang boses ni Zack.
Di ko na nagawang lumingon dahil nasa harapan ko na siya..
Kinusot ko ang mga mata ko..baka naghahalucinate lang ako?
Baka ito na ang tama ng alak sa akin?
"ZACK?"
"Yes It's me.sorry late ako..bukas ko na ibibigay ang regalo ha.."
Sinensyasan ko siyang maupo sa isa sa mga upuan..
Kumpleto na ang birthday ko..kahit late na siya atleast pumunta parin siya..
"Mukhang ako lang ang pinakahuling bisita mo ah?"
Tumawa ako.
"Yah..but it's ok Zack atleast nakarating ka parin"
Nagsalin ako ng whiskey sa dalawang baso ibinigay ko sa kanya ang isa.
Pero umiling siya..
Ganon naman si Zack habit na yata niya ang tanggihan ako..
"Di ako pwedeng uminom..magddrive pa ako pauwi sa condo Unit ko Sidney Kate"
Nakakainis siya..parati nalang akong tinatawag sa boung pangalan ko..
"Come on Zackary Andrada It's my birthday konti lang naman ah"
Nag aalangan niyang tinanggap ang baso..at diretso niyang nilagok iyon..
"Buti na lang umabot pa ako kahit na wala ng tao"
"Bakit saan ka ba kasi pumunta at di ka nakapun..tah ng maaga?"
"Pumunta ako ng Bulacan..kailangan ni Ariana ang tulong ko..nasa ospital kasi Tita niya"
Kaya pala..si Aria naman.
Si Aria nalang parati.
Nagsalin uli ako ng alak sa baso namin.
"That's enough Sidney Kate your totally drunk"
Saway nito sa akin.
Tumawa ako at itinaas ang baso..
"Come on Zack..im not drunk..Cheers!'for my birth...day"
Wala siyang nagawa kung di makiayon na lang..
Nanlalabo na ang paningin ko..pero pinipilit ko parin ang sarili ko..
"Hmmm..di mo man lang ako naisayaw"
Lumabi ako sa kanya..
Nakita kong iginala niya ang paningin niya sa mga naroroon..
Tumayo ito at inilahad ang kamay sa akin..
Tumawa ako at inabot ang kamay niya.alam Kong napipilitan lang sya sa lahat ng hiling ko dahil birthday ko
"Hindi pa naman huli ang lahat diba? Come dance with me?"
Ipinikit ko ang mga mata ko..talagang nahihilo na ako..di ko alam kung ang mga nangyayaring ito sa pagitan namin ni Zack ay bunga lamang ng tama ng alak na ininom ko o totoo?
Sana kung panaginip ang lahat ng ito..di na sana ako magising..
Maya-maya pa may naririnig akong kanta..ang lakas sa pandinig ko.
hinawakan ko ang tenga ko at naapuhap ko ang isang headset na nakasabit dito
Parang idinuduyan ang pakiramdam ko dahil sa kanta..
" Lost in a dance
Waiting for the chance
All I really needed was to love you
Night after night
Searchin' for the light
You saved me
You gave me something I could feel"
Pilit kong ibinubukas ang mata ko pero talagang di ko na maibukas.
parang gusto Kong magsisi at uminom Ako ng also..I want to be sober for Zack pero talagang feeling ko do ko na talaga kaya sarili ko .
Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
Tuluyan ng tinangay ng karimlan ang malay ko.
Basta ang alam..sarap sa pakiramdam na kasama ko si Zack ngayong gabi kahit na sa panaginip ko lang.