CLAIRE
Amoy ng adobo ang sumalubong sa akin mula sa toxic work ng boung maghapon
Natapos na din ang presentation ni Chris di man napili lahat ang mga gawa niya pero may apat namang sinuwerteng mapasama para sa NY Fashion Week and that his big accomplishment
Nangako siyang i-ttreat ako sa weekend para mag unwind
Chris still couping his new life in New York as a first timer
"Hey Nay"
Nakangiting lumingon si Nay Nimfa
Engross na engross ito sa niluluto nito kaya di niya napansin ang pagdating ko.
Nakakatuwa na nagkaroon ako ng instant mother sa katauhan niya
"Good afternoon anak,dumating kna pla"
Hinugasan nito ang kamay at ipinunas sa kitchen Towel na naka hang.
Ngumiti ako at pabagsak na naupo sa maliit na sofa, isinandal ko ang ulo ko.
I had little bit headache
"Ano niluluto nyo Nay?"
Ngumiti ito at binuksan ang rice cooker umuusok na yun,nagsain na rin ito ng kanin.
"Yung ibinigay mong pera sa akin, pinamili ko ng sangkap ng adobo dyan sa mini grocery sa tapat nitong building,pinagluto kita ng adobo di ko alam kung paborito mo ang adobo pero nagbakasali lang ako"
Sucks! This old woman has a capability to melt down my heart
"Nay paborito ko po ang adobo
Saka bat niyo ginamit yung pera personal nyo po yun"
"Naku ayos lang yun Nak gusto ko rin naman maglibang kaya naisipan kong maglakad lakad yun may nakita akong mini grocery,tsaka malay mo sa paglalakad ko bigla kong matagpuan ang anak ko"
Malungkot na naman ang mga mata nitong nakatingin sa akin
Longing mother's eyes
Yun ang nababasa ko sa kulay tsokolate nitong mata.
"God will help us Nay, We'll find your son just keep praying"
I said with comfort voice para kasing maiiyak na naman ito
"Pahinga ka muna malapit ng maluto ito pinapalambot ko lang ang manok" ngumiti ito ng pilit at pinasaya nito ang mukha pero alam kong di abot yun sa puso niya.
Kahit nahahawa ako sa kalungkutan niya napangiti ako sa outfit ni Nay Nimfa
Big size Tee shirt kong may mukha ni Doraemon na nakatawa kailangan ko na talaga siyang ipag shopping ng mga gamit niya.
"Anak matanong ko lang saan ba ang pamilya mo,pasensya kana ha pero kasi nag iisa ka lang dito sa America"
Ngumiti ako siguro naman di masamang magsabi ng totoo sa kanya.
Alam kong mabait at mapagkakatiwalaan naman ito.
Naging ganito lang ito nagpalaboy laboy dahil naging malupit sa kanya ang kapalaran.
"Nasa Pinas po silang lahat"
"Talaga ikaw lang mag isa dito sa America buti pinalad kang makapagtrabaho dito para sa pamilya mo"
I smile and shook my head.
"Di ko po talaga kailangang magtrabaho Nay,kaya pong ibigay ng mga magulang ko lahat ng gusto ko pero I insisted po gusto ko pong maranasang mamuhay ng normal tulad ng ordinaryong tao"
Tumingin sa akin si Nay nimfa at sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
"Tama ang hula ko Unang tingin ko pa lang sayo alam kong hindi ka pangkaraniwang tao lang anak, mga kilos mo sa itsura mo alam na alam kong di pangkaraniwang pamilya ang pinanggalingan mo"
Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa sofa at tumingin sa kanya.
"Alamo ba Lorenzo Business Empire sa Pinas Nay?"
"Oo naman sino ba di nakakaalam sa Pangalang yan pinakamayamang pamilya yan sa Pinas teka wag mong sabihing isa kang Lorenzo?"
Biglang nanlaki ang mga mata nito habang naghihintay ng kompirmasyon mula sa akin
I nodded my head and smile
"Anak po ako nung may ari isa ako sa dalawang anak niya"
"Diyos ko eh tagapagmana ka pla Anak!' She gasped
I grinned at her
Nakakatuwa ang reaksyon nito.
Her deep set chocolate brown eyes,lalong naging darker sa gulat.
Napakurap ako nang nay maalala
That eyes!
Parang nakita ko.
Someone Carrying the same eyes.
Magkakulay sila ng mata ni Rugged Devil.
Napailing ako ng sunod sunod
Maraming tao ang nagtataglay ng ganung klase ng mata.
"Anong problema anak?"
Nagtataka yata ito sa pananahimik ko at sunod sunod na pag iling
"Wala naman po Nay may naisip lang ako..Maiwan ko muna kayo magbibihis lang ako sandali"
Tumango ito at tumayo na din para balikan ang nilulutong adobo..
Pagpasok ko sa Kuwarto napatingin ako sa Phone ko..
Shit!
Kanina pa ako panay check sa phone ko..ano ba nangyayari..itinapon ko sa ibabaw ng kama at binuksan ang Cabinet ko..
Now I'm just staring on the open Cabinet!
Thinking about the rugged devil i was met over lunch..
Honestly,I'd never seen or heard that man before,Granted malaki ang New York City pero sa katulad nitong attractive at mala hollywood ang features di malayong isa siya sa mga hinahabol habol ng mga babae dito sa New York City..
Baka baguhan lang siya dito sa New York City..dayo lang siya..pero base on the building curent state mga isang taon na yun ginagawa..ibig sabihin matagal na siya dito sa New York City..
He said,Project Engineer siya sa billion dollar project..
Baka naman,ako lang ang baguhan dito..
Kaya siguro di ko siya napapansin..
Pero halos isang buwan na akong pabalik balik sa restaurant na yun.
Ni minsan di ko naman siya napansin o nakasabay until today's lunch..
Hinilot ko ang sintido ko..lalo yatang nanakit sa kakaisip sa impaktong yun..
Napatingin ako sa Cellphone ko..
Aminin ko man o hindi..boung maghapon akong nakatingin sa Screen ng phone ko..
Yes,I'm waiting for his call.
Gusto kong mapahalakhak sa katangahan ko..
Anung nangyayari sa akin?
All my life never ako nagpa apekto sa kahit na sinong lalaki?
Pero kanina nagmukha akong Shunga shunga sa harapan niya..
Pumikit ako ng mariin..
Then An image of him standing at my back pop up..While his face leaning closer to my face..
He is about to kiss me..then my heart started to beat faster at the thought..
Napamulagat ako!
Now hindi lang ako Shunga shunga
Nag iilusyon na din ako sa lalaking yun..
What his name again?
Timothy Reid..
Huminga ako ng maluwang..
I shook my head constantly..
I need to clear my thoughts.
Titigilan ko na pag iisip sa kanya kahit isang saglit..
Iniistorbo niya ang nanahimik kong isipan eh!
Dinampot ko ang cellphone ko sa kama..
Mabilis kong hinanap sa Contact ang number niya..
Rugged Devil Deleted!
Napangisi ako...
Ngayon wala ng mang iistorbo sa akin..
STUPID Isn't it?
Kumuha ng Large T shirt at Pekpek short sa nakabukas na mini cabinet..
Mamaya yayayain ko si Nay Nimfa.. Mag Shopping kami at kain na din sa labas..
Isasabay ko na din ang grocery..
Dadaanan na lang namin ang bagong apartment,
Tumawag na ang real state brooker kanina.
Any time pwde na daw akong lumipat
Ang balak kong bisitahin sana yun sa lunch nawala na sa isipan ko..pati nga lunch ni Chris nakalimutan ko buti na lang nagpabili ng lunch ang Head designers sa kanila nung time ng meeting nila...
Dalawang bagay ang nakalimutan ko ng dahil sa tipaklong na yun..
Napalatak ako..
nangako ako sa sariling hinding hindi ko na siya pag aaksayahan ng oras na isipin kahit isang segundo..
He is not worth it!
Paglabas ko nakaahin na sa mesa ang pagkain..
Bigla akong sinalakay ng gutom ng makita ko ang umuusok na kanin at Adobong Manok..
Oh How i Miss Filipino foods..
Lola Martha used to pampered us with her most delicious Foods ever..
Bata pa lang kami ni Andrie sinanay na niya kaming kumain ng Authentic Filipino Foods..
Kaya kahit nung nasa France ako naghahanap pa din ako ng Filipino Restaurant and treated my self once in a while..
"Upo na anak, Masarap ang pagkain habang mainit pa"
Ngumiti ako at umupo sa harapan niya..
Ipinagsandok niya ako ng pagkain at ulam..
"Naku Nay,ako na po..Wag nyo akong masyadong i pampered baka masanay ako"
Mahina itong tumawa at nagsalin din ng Orange Juice sa dalawang baso..
"Ok lang yun kahit sa ganitong paraan makabayad ako sayo ng utang na loob"
"Sabi ko naman sa inyo wag nyo nang isipin yon Nay..
Ok lang yun sa akin"
Nagsimula na akong kumain..
And I must Admit Nay Nimfa's adobo is more delicious than Lola Martha..
I moaned with the delicious taste of the foods..
It's incredibly amazing..
"Naisip ko kasi Baka gusto mo ng pagkaing pinoy kaya sa paglalakad lakad ko may nakita akong mini grocery sa unahan.. kaya bumili ako ng mga sangkap ng adobo at manok"
"Nay sana sinabi nyo gusto nyong magluto para nadagdagan ko ang perang binigay ko..
Yung perang binigay ko sa inyo para sa inyo yun..bka may gusto kayong bilhin sa sarili nyo"
Umiling ito at ngumiti..
"Nak wala akong gusto o hiling sa buhay..Maliban sa matagpuan ko ang anak ko bago man lang ako mamatay"
Ang sayang nasa mukha nito kanina biglang napalitan ng lungkot
"Dont Worry Nay,we'll gonna find your son..Wag kayo mawalan ng pag asa. Just keep praying"
Tumango ito at nagpasalamat..inabot nito sa akin ang Juice..
"Siguro ang swerte ng lalaking mamahalin mo,bukod sa ubod ka ng ganda anak..ang bait mo pa..bunos na lang yung pagiging anak mayaman mo"
Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong Orange Juice..kung anu ano ang iniisip nito..
"Kain pa ng narami nak,ng magkalaman laman ka"
Ngumiti lang ako at tumingin sa kanyang malulungkot na mga mata..
Siguro magkakaroon lang ng kislap at saya ang mga mata nito pag natagpuan na nito ang nawawala nitong anak..
"Nay..may hawak po ba kayong katibayan na pwde nating magamit para sa paghahanap ng anak nyo..kahit picture lang po"
Malungkot na sunod sunod na umiling ito..
"Mayron sana nak kaso nasamang natangay nung mga holdaper sa bag ko halos lahat ng mahahalagang gamit ko nandun lahat,
Ang picture na yun ang kaisa isang meron ako sa kanya,
Isang taon siya,Yun ang huling kuha niya kasama ng babaeng umampon sa kanya..yun lang ang tanging naibigay sa akin ng mga madre..pero nawala pa"
Binitiwan nito ang hawak na kurbiyetos at naluluhang tumingin sa akin..
Nanay Nimfa looked at me with her Chocolate brown Hopeless Eyes..
Kaya ipinasya ko na din tumigil sa pagkain nawalan na ako ng gana katulad niya..
"Yung pong tatay ng anak nyo nasaan?"
Tumingin siyang muli sa mga mata ko at pilit inaapuhap ang gustong sabihin.
"16 years old ako anak ng ibenta ako ng amain ko sa isang Mayamang Foriegner na Australian.
Ginawa niya akong s*x slave halos araw araw niyang ginagamit ang katawan ko kahit di ko na kaya masahol pa sa hayup ang ginawa sa akin Nung malaman niyang buntis ako walang awa niya akong kiladkad at itinapon sa lansangan. Doon ako nagsimulang magpalaboy laboy hanggang may mag asawang matandang naawa sa akin kinupkop nila ako at pinatira sa munting tahanan nila sa ilalim ng tulay ng Quiapo.
Nung maisilang ko ang anak ko di ko alam paano ko siya mabubuhay dahil sa murang edad ko kaya ipinasya kong iwanan siya sa bahay ampunan at namasukan akong tindera sa isang Muslim na nagtitinda ng mga damit sa Quiapo hanggang makaipon ako ng sapat na halaga. binalikan ko ang anak ko pero huli na ang lahat may umampon na dito di ko na siya inabutan"
Tuluyan na itong humagulgol.
Nay Nimfa sobbing and crying her self out.
Mabilis akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.
Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak kung yun ang paraan para gumaan ang bigat ng nararamdaman niya.
GOD KNOWS!
She doesn't deserved this.
She deserves happiness!
Nang mahimasmasan ito humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Pasensya kana ha,naging emosyonal ako di ko mapigilan eh"
"Ok lang po yun Nay, You know what? Get dress Mag shoshopping tayo maaga pa naman eh"
"Pero Anak"
Wala na itong nagawa ng hilain ko ang mga kamay niya papasok.
Nag aalangan padin ito habang nakatingin sa pinagkainan namin sa Mesa.
'Nak Claire wala akong pang lakad na damit"
"Magagawaan natin yan ng paraan Jusrlt leave it to me ok"
Kumindat ako sa kanya
Kahit napipilitan wala itong nagawa kundi sumunod sa gusto ko.
Kailangan muna niyang mai divert ang atensyon niya sa ibang bagay.
Sa mga sandaling ito
Kailangan niya ng tulong at taong uunawa sa kanya.
Maybe god has a Plan.
Baka ako ang instrumentong ginawa ng niya para matagpuan ni Nay Nimfa ang anak niya.
Or di kaya siya ang instrumento para lalo kong makita ang totoong kahulugan ng ibang bahagi ng mundong di ko pa nakikita.