“Here, pantangal ng hangover.” Ibinaba ko ang tray na may lamang soup na ginawa ni Manang Gina. Minasahe naman nito ang sintido noo niya. Mukhang hindi pa ito nakakarecover sa pag-inom nito. “Psh, sino ba naman kasing may sabing gawin mong tubig yung whisky? Iyan ang napala mo.” sermon ko. “Oh, just shut up, masakit na nga ang ulo ko lalo mo pang dinadagdagan dahil sa panermon mo.” Seryosong sagot nito kaya hinayaan ko na lang ito. Paalis na sana ako nang bigla itong magsalita. “Wala ka bang dinalang tubig?” kunti na lang malapit ko na itong ihulog sa balkonahe ng bahay ko para mahimasmasan. “Napaka spoiled mo pa rin hanggang ngayon. Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita. Wala kang katulong dito.” Naasar na turan ko. Babatukan ko na talaga ito. “Sige na, lulubusin ko na ang kabai

