Three weeks had passed, and I was still trying on accepting the situation, but there were certain things I couldn't explain and understand until now.
"Mommy,, hindi po ba tayo pupunta kanila Daddy." Pangungulit saakin ni Psyche. Weekend ngayon kaya expected niya na pupunta uli siya sa daddy niya. Ako naman halos hindi ko na siya maharap dahil sa dami ng ginagawa ko at mga project pa sa school.
"Not now Psyche, wala si Ate Martha mo. Walang maghahatid sayo dun." Sabi ko habang nakatingin ako sa laptop ko dahil nag-iencode ako para sa assignment namin sa school.
"Sama na lang kayo.. dun niyo na lang po yan gawin, yang ginagawa niyo." Kulit pa rin nito. Nakayakap na ito sa bewang ko habang nakasquat ako sa ibabaw ng kama ko.
"Ganito na lang, tatawagan ko ang daddy mo at susunduin ka rito. Okay ba yun?" - sabi ko sakanya. Nagpout naman ito saakin pero kalaunan tumango na lang ito.
"Bakit hindi na lang po kasi kayo sumama? I'm sure miss na kayo ni Eros. Noong nakaraan hindi kayo sumama saamin kaya nagtatampo si Eros he told me na hindi ka raw tumupad sa promise." Nangungunsenya nito.
"I'm sorry, sabihin mo sakanya next time na lang kasi busy si mommy masyado sa school. Okay!" Kinuha ko naman ang phone ko sa tabi ko at hinanap ang no. Ng daddy niya. Ilang ring bago nito sagutin ang tawag at mukhang hingal na hingal ito.
"Hey, what's wrong." Bungad nito saakin kaya napakunot naman ang noo ko.
"Ahm. Logan, pwede bang sunduin mo sa apartment ko si Psyche. Gusto kasi niyang makita ang kambal niya." Sabi ko sakanya. Hindi ko alam kung nasaan ito.
"Sorry, hindi ako makakapunta diyan. May practice kami ngayon. Nasa university ako. Ipahatid mo na lang si Psyche doon. Nandun lang naman ang kapatid niyang mag-isa. " sabi nito.
"What!? Nasaan ang Nanny ni Eros? Bakit wala siya kasama doon? Paano kung may nangyari masama sa bata? Sana pinunta mo na lang dito sa apartment ko." Galit na sabi ko. Bakit ba kasi pinapabayaan niya ang bata.
"Hey, walang mangyayari sa kanya dun. Saka sabi naman niya he can handle himself. So, no worries. Nilock ko ang pinto walang makakapasok dun saka hindi niya rin alam ang password ng unit ko." Kampanteng sagot nito. Pero lalo akong nanainis sa sinabi niya. How can this man is so irresponsible.
"Kahit na! Hindi mo pa rin sana siya iniwan ng mag-isa doon. Pupunta kami doon ngayon ibigay mo saakin ang password." - wala naman itong nagawa kaya binigay na niya. Kinuha ko ang mga kailangan ko at dinalhan ng extra na damit si Psyche pati na rin ako.
...........
14****...Click!...
Binuksan ko ang pinto at pumasok na kami ni Psyche sa loob. Tahimik sa loob ng Unit kaya bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib. Nasaan si Eros?..
"Eros? Eros? Nasan ka?" - sigaw ni Psyche. Bigla namang lumabas si Eros sa kwarto niya. At biglang piniga ang puso ko ng makita ko siyang naiiyak na.
"Mommy!!" Sabi nito saakin at niyakap ako sa binti. Napakagat naman ako ng labi ko at binuhat siya. Tuluyan na itong umiiyak at nakayuko lang sa balikat ko. Gusto kong kutusan ng mga oras na iyon ang tatay niya dahil sa inis. Iniwan niya ng mag-isa ang bata sana dinala na lang niya sa University nila.
"Hey, tahan na. Sorry.. I'm sorry, nandito na si Mommy.shhhh. tahan na, anak. " Naiiyak ng marinig ko ang mahina nitong hikbi sa aking balikat. Naguguilty rin ako dahil alam kong may kasalanan rin ako. Humihikbi pa rin ito at nakayap ng mahigpit saakin para bang ayaw ako nitong bimitawan.
"You didn't make your promised. Hindi ka pumunta dito." Pagtatampo nito.
"I'm sorry, baby ko at hindi tinupad ni mommy ang promise niya. Pero nandito na ako kaya wag ka nang iiyak. Okay." Tumango naman ito. "Anong ginagawa mo dito habang wala si Daddy?" Tanong ko sakanya.
"Nagcocolor po sa coloring book ko." Mahinang sabi nito.
"Kumain ka na ba?"- umiling naman ito. Bigla tuloy kumulo ang dugo kay Logan. Ito na nga bang sinasabi ko.
"May iniwang pagkain si Daddy pero ayaw ko pong kaiinin." Tinuro naman nito ang sinasabi niya at nakita ko ang cup noddles sa ibabaw ng mesa. Humingi ako ng malalim para pakalmahin na sarili ko. Gosh! Bakit ganyan ang pinapakain niya sa bata.
"Maglaro muna kayo at magluluto ako ng ulam natin." Binaba ko naman si Eros. Pumunta naman ito sa kwarto niya kaya sumunod na lang si Psyche sakanya. Dumeresto naman ako sa kusina at tinignan ang laman ng ref. Nakita ko namang kumpleto ito pero bakit hindi siya magluto.
Kumuha na lang ako ng gulay at karne pang sahog. Habang nagluluto tinitignan ko kung anong ginagawa ng mga bata nakita ko naman silang nagkukulay ulit at busing busy sila, kaya hinayaan ko na lang muna sila. Tinawag ko sila pagkatapos kong maghain ng pagkain. Habang kumakain nakita kong parang gutom na gutom si Eros sa lagay niya.
"Eros, tapatin mo nga ako. Hindi ka pa ba nagbreakfast?" Sabi ko sakanya. Unti-unti naman ito tumango kaya napapikit ako. Kinakalma ko ulit ang loob ko.
Pagkatapos naming kumain. Naghugas na ako ng pinagkainan namin habang sila ay bumalik sa ginagawa nila. Nang makita ko busy pa rin sila sa ginagawa nila pagkatapos kung magligpit. Kinuha ko naman ang hindi ko pa natatapos na gawain ko. Ilang oras akong nakababad sa laptop, hindi ko namalayan mag 5 pm na pala tinignan ko naman ang mga bata at nakitang mahimbing ang tulog nila. Siguro sa pagod na rin, nakatulog na ang mga ito kaya hindi ko namalayan, lalo na si Psyche masyado itong hyper pero kahit tahimik lang si Eros sa tabi niya halatang nasisiyahan sa kapatid nito.
I-noff ko muli ang laptop para magluto ng dinner namin. Gusto kong may sabaw naman ang iluluto ko dahil na rin maulan ngayon para may higuping mainit na sabaw kaya nagdisisyon akong magluto ng sinigang. Alam kong hindi ako nagpaalam sa may-ari ng bahay at kung magalit man ito wala na akong pakialam, naiinis pa rin ako sakanya dahil sa pinabayaan niya si Eros. Pagkatapos kong magluto tinawag ko naman ang mga bata na busy sa panunuod.
"Dinner muna tayo, mamaya na yan." Sumabay naman sila at pinaghugas ko ng kamay.
"Mommy, anong oras po uuwi si Daddy?" Tanong ni Psyche saakin. Napansin ko sakanila kahit 3 yrs old lang sila parang mas matanda silang magsalita at hindi rin sila nabubulol.
"Malelate ng uwi ang Daddy niyo. May practice kasi sila ng laro." Sa 3 weeks na nakilala ko si Logan kahit hindi kami nagkakausap masyado. Marami na rin akong nalalaman sakanya. Tulad ng saan siya nag-aaral at tungkol sa pagiging varsity niya sa university nila. Masasabi kong sikat talaga siya kahit sa school namin.
"Pwede rin po ba tayong manuod ng game nila Mommy?" - inosenteng tanong ni Eros. Sa totoo lang never pa akong nakanuod ng mga laro. Lalo na ang Basketball.
"Sige, tanong natin sa daddy niyo kung okay lang. Kung Pwede kayong manuod ng game nila." Pumalakpak naman silang dalawa sa tuwa.
Nagliligpit naman na ako ng pinagkainan namin ng marinig kong bumukas ang pinto. "Daddy!!!" Matinis na sabi nila kaya alam kong nandyan na si Logan. Hindi ko na pinansin ang pagdating niya at nagpatuloy pa rin sa paghuhugas ng mga pinggan.
"Hey!" Maikling sabi nito. Tinignan ko naman siya pero nakita kong pumunta siya sa mesa at tinignan ang ulam. "Wow, sinigang ito hindi ba?" Mukhang takam na takam pa.
"Magpalit ka muna ng damit mo. Ipapainit ko yang ulam medyo lumamig na, kanina pa kasi iyan." Malamig na sabi ko sakanya. Tumango naman ito at nagmadaling pumunta ng kwarto niya para magpalit. Psh! Hindi ba niya alam na cold ang treatment ko sakanya. Manhid!!. Umasta ito parang walang kasalanan, nakakaasar.
Pagkatapos kung iinit ang ulam niya naghain na rin ako ng plato para sakanya. Tamang-tama naman na kalalabas niya sa kwarto niya at halatang bagong ligo rin ito. Napatingin naman ako sa suot niya naka sando ito na itim at jogging pants na black . Bigla naman akong nag-iwas ng tingin ng magawi ang mata ko sa muscle niya. Halatang parati silang nag g-gym.
"Hmmmmh, masarap ka pa lang magluto. " sambit nito habang kumakain. Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya dahil ko alam kung sinabi lang ba niya yun para pampalubag ng kalooban or what.
"Tawagin mo ako, pag tapos ka nang kumain para mailigpit ko iyang pinagkainan mo." Sabi ko, pumunta naman ako sa sala kung saan nandun ang mga bata.
"Hali na kayo, magpalit na kayo ng pantulog niyo. Para makatulog na tayo." Tumayo sila at lumapit saakin.
Habang sinusuklay ko ang buhok ni Psyche. Pinagmamasdan ko lang ito nakita ko ang itim na itim at na pawavy na hangang dibdib ang haba nito. Ngayon ko lang napansin na magkasing kulay sila ni Logan ng buhok, dahil yung saakin ay dark brown lang siya. Pag nasa araw ay makikita mo talaga ang totoong kulay nito. Napansin ko rin yun kay Eros kaninang may araw pa. Hindi ko alam pero feeling mga anak ko talaga sila. Napatingin ako kay Psyche nang magsalita siya.
"Mommy saan po kayo matutulog?" - inosenteng tanong nito. Naka upo kami ngayon sa gilid ng kama ni Eros nakita ko naman ang ginagawa ni Eros at nagbabasa ito ng story book.
"Dito syempre.. Tabi tayong matulog na tatlo." -sabi ko sakanya. Tumingin naman ito saakin.
"Pero hindi na po tayo kasiya sa kama ni Eros." Nakapout na sabi nito. Napatingin naman ako sa kama niya. Tama nga siya pang dalawahan lang ito and to think na malikot matulog si Psyche sa kama.
"Okay, sa sahig na lang ako matutulog. Hihiram ako sa daddy niyo ng conforter " ngiting sabi ko sakanya. Pero sa loob ko never pa akong natulog sa sahig. Tumango naman ito at ginambala ang kambal niya na tahimik lang kaya medyo nainis si Eros dun. Unti-unting natutunan kong makilala ang mga bata, isa na napansin ko si Eros ay super tahimik at observant rin siya samantalang kabaliktaran naman siya ni Psyche na super hyper at vocal siya sa nararamdaman niya. Pero ang pagkakapareho nila ay malambing silang dalawa in different ways nga lang. Lumabas naman ako para hanapin Logan para makahiram ng conforter. Nakita ko naman siyang nanunuod sa sala at alam kong basketball yun dahil sa ingay ng tv. As usual lalaki nga naman. Nadaanan ko naman ang kitchen at nakita kong malinis na lahat kaya alam kong niligpit niya na ang pinagkainan niya.
"Logan" pagtawag ko sakanya nabaling naman ang atensyon niya saakin at bumalik muli sa harap ang tv ang mata. Alam ko na sign na yun "Makikihiram ako ng conforter mo wala na kasing space sa kama ni Eros. Wala akong tutulugan." Hindi naman ito nagsalita pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Dahil kung hindi babatuhin ko ito ng mahanap kung gamit.
"Wala akong conforter." Baliwalang sabi nito. Medyo na karamdam naman ako ng inis dahil hindi niya ako makausap ng matino dahil sa pinapanuod niya.
"Kahit banig?"
"Lalong wala ako nun." Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa tv.
"Fine, hihiram na lang ako ng makapal na kumot mo at unan." Naiinis na sabi ko. Ano ba naman mayaman nga pero kulang-kulang sa gamit.
"Nasa kwarto. Doon sa kabinet ko." Inirapan ko na lang siya at pumunta na sa kwarto niya. Nahanap ko naman ang sinabi niya kaya dumeretsyo na ako sa kwarto ni Eros. Inayos ko naman ang pagkakalapag ko sa kumot at tinignan kung pwede na.
"Mommy, malamig po diyan sa sahig. Baka magkasakit ka po." Biglang sabi ni Eros na patingin ako sakanya, nakadapa sa kama niya at nakaharap sa akin. Napangiti naman ako dahil sa pagiging concern niya saakin.
"Okay lang, makapal naman yung blanket na gamit ni Mommy." Pag-aasurance ko sakanya. Kumunot lang ang noo nito parang hindi naniwala. "Sige na, matulog ka na. Okay na ako dito."
"Mommy makulit ka po. Malamig nga po diyan. Sasabihin ko po kay daddy sa room ka na lang niya matulog." Akmang tatayo na ito para puntahan ang daddy niya ng pigilan ko siya. Kaya na paupo ito sa kama.
"Wag na. Okay lang si mommy dito. Wag mo nang gambalahin ang daddy mo. Magrerest na siya." Hinalikan ko naman na ang noo niya at pinahiga ko sa kama niya. Nakita ko naman si Psyche na maganda na ang tulog niya. Kaya hinalikan ko rin siya sa noo. Nakita ko namang pinikit ni Eros ang mata niya.
Nakaupo ako sa sahig habang nag tatype ng assignment ko. Hindi ko na malayang may pumasok sa kwarto nag-angat ako ng tingin at binalik ko rin agad ang ginagawa ko ng makita kong si Logan lang. Titignan siguro niya kung tulog na ang mga bata.
"What the... bakit diyan ka matutulog?" Mariin na sabi nito kaya nag gesture naman ako na hinaan niya ang boses niya. Baka magising ang mga bata.
"Kasi wala ng space sa kama. Nakikita mo naman di ba." Pabalang na sabi ko sakanya. Inirapan ko siya. Obvious na nga nagtatanong pa. Sabi nga nila wag kang magtanong ng patanga kung ayaw mong masagot ng patanga rin.
"Ba't hindi mo sinabi. Malaki ang space sa kama ko." Para wala lang sakanya na sabi nito. Tinignan ko naman ito ng may pagkabagok na para bang isa siya sa mga taong may sayad. "What!"
"No thank you. Okay na ako dito. Kaya isara mo ang pinto paglalabas ka." Binalik ko naman na ang tingin ko sa laptop ko.
"Tsk! Bahala ka nga. Ako na ngang nagmamagandang loob." Sinara naman niya na ang pinto. Pagkatapos ko namang natapos ang kalahating tinatype ko pinatay ko na rin ito at natulog time check 12midnight na. Hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit nga pala nandito ako ngayon. Bukas kukumprontahin ko siya, dahil ngayon wala ako sa tamang pag-iisip.
**************
To be continued...
Happy Reading <3