CHAPTER 18

2285 Words
Naisipan kong maggrocery ngayon dahil nakita ko ang stock ko sa cabinet na malapit nang maubos ang mga nagrocery ko, once a week lang akong magrocery. Binili ko naman lahat ng kailangan ko. Nakabalik na rin ako sa pagdrive, noong una hindi pa ako pinayagan ni Mommy but I promise to her na hindi ako magiging kaskasera saka yung nangyari naman dati ay aksidente yun. Tinignan ko naman kong wala na ba akong nakalimutang bilhin nang masatisfied na ako saka na ako pumunta sa counter. Habang naglalakad napapatingin ako sa mga store na nadadaanan ko malay mo may makita akong magustuhan ko ewan ko ba para bang iba na rin gusto ko ngayon. Noon kasi kahit hindi ko kailangan bibilhin ko kumbaga waldas lang ako ng waldas pero ngayon mukhang naging responsible na rin ako at tinutunan ko na ring magluto nagreresearch ako tapos gagayahin ko na lang. Nagulat nga yung mga kaibigan ko nang ipinagluto ko sila. Napatigil naman ako sa isang store ng mga figurines. My gaze was drawn to something, which I then remembered. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala uli ang panaginip na yun. No! Missy panaginip lang yun wag kang magpaapekto. Kanina ko pa pinagsasabihan ang sarili ko habang nakatitig pa rin sa cupid na figurine. And reminiscing the moment. Dapat wala lang yun, makakalimutan mo rin lahat nang yun. Dahil hindi naman yun totoo "Mommy gusto ko po yung Angel na yun." Biglang turo naman ni Psyche. Kaya napatingin naman ako. Mga figurines? "Psyche, wala kang gagawin diyan at hindi natin kailangan yan. Anong sinabi ko sayo dati. Kung hindi mo magagamit wag mong bibilhin. Nakalimutan mo na." Paliwanag ko sakanya. "Pero gusto ko po niyan. Gusto ko po siyang ilagay sa room ko tapos sa room ni Eros para po may guardian angel po kami na nagbabantay." Pamimilit nito. Napabuntonghininga na lang ako. Missy! Hindi totoo yun get over with it. Napailing na lang ako sarili ko. Nasa realidad ka na. Paalis na sana ako nang biglang may nakaharang pala daraan ko bigla naman akong kinabahan dahil ngayon uli kami nagkita ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang maencounter namin ang isa't isa. Pinagmasdan ko naman ito dahil hindi naman ito nakatingin saakin instead sa figurines na tinititigan ko kanina. Does he know anything? Nakita kong napakunot lang ito para bang may inaalala. Naramdaman niya atang may nakatingin sakanya lumingon ito at lalong kumunot ang noo nito. "What are you doing here? Did you follow me again?" Masungit nitong sabi, napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Huh! Ngayon masasabi kong ibang-iba ang nakilala ko sa panaginip ko. Mas gusto ko pa ang ugali nung nasa panaginip ko kahit hindi totoo. Kaysa yung totoong kaharap ko ngayon. "Bakit? Ikaw lang bang pwedeng pumunta ng mall. Hindi rin makapal yang mukha mo. Noh!" Pagtataray ko. Kung noon hindi ako nakabawi sa ginawa niya hindi na ako papayag ngayon na api-apihin niya ako. "I just taught that your still stalking me." Ngisi naman nito kaya inirapan ko ito. "Hindi ka rin mayabang noh!. For your information wala akong pakialam sayo. Diyan ka na nga." Paalis na ako nang may sabihin uli ito. "Kaya pala nang makita mo ko para bang ang tagal mong hindi ako nakita. As if you missed me that much." "Ow! I'm very sorry. I mistakenly assumed you were someone I knew, but I now see that you are quite different from him. I wasn't thinking clearly that day." Nakita ko naman ang amused sa mukha nito kaya napaiwas na lang ako. Kinuha ko naman yung tinitignan ko dahil balak ko siya bilhin. Hindi ko alam kung bakit. Pinacounter ko naman na ito pero hindi ko inaasahang kasunod ko si Logan. Tinignan ko naman yung hawak nito and just like me may dala rin itong cupid nagtataka tuloy ako pero hindi ko na lang pinansin at nagmamadaling lumabas. Ayoko na uli siyang makasalubong. Dahil hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko nabungo tuloy ako sa kung sino. "Sorry" bulong ko. Nag-angat naman ako ng tingin kung sinong nakabunguan ko. "Lee?" Bulong ko uli sa sarili ko pero mukhang narinig niya. Bakit ba lapitin ako ng disgrasya ngayon. "Kilala mo ako?" Nagtatakang sabi nito. Napatingin naman ako sa mga kasama niya 4 lang sila pero kilala ko silang lahat. Hindi na lang ako nagsalita baka kung ano pang masabi ko. "Ahm.. you're quite popular. That's why." Nag-aalangang sambit ko. Mukha namang naamaze ito. "I had no idea a lovely girl like you would notice me. Well hindi na ako magtataka sa gawpo kong ito imposibleng walang makakakilala sa akin. Mag-aartista na talaga ako." Pagyayabang nito. As always mahangin pa rin ito. Hindi ko na lang pinansin. "But wait, mukhang kilala kita. I think, I've seen you before." Nag-isip naman ito pero sana hindi niya maisip. "Siya yung yumakap kay Captain noong papunta tayong parking."-Rinig kong sabi nang isa nakita ko namang si Zeus ang nagsalita. Buti na lang hindi ko pala sinama si Zoey kung hindi magwawala yun. "That's correct. By the way, what are you doing here? Don't tell me you're following our Captain, as I know he came this way as well."- Travis, Isa ring assumero. Inirapan ko siya akala naman niya porque sa nangyari yun. Stalker na niya ako. Never!. "Nandiyan na pala si Captain." "Huh? Magkasama kayo sa isang store?"-Lee. "FYI, hindi ko siya sinundan. Bakit inyo ba itong mall?" Inis na sabi ko. Kung makapag-akusa naman itong mga ito. Kahit kilala ko itong Captain nila hindi naman ako ganun katanga at kababa. "Well, hindi saamin itong Mall pero kina Logan itong mall." Medyo nagulat naman ako. Okay! Di siya nang mayaman. Hmmp! Makaalis na nga. Paalis naman nasa ako pero pinigilan ako nang isa sa kanila. "Want some help?"- Tukoy ni Zeus sa mga dala ko napatingin naman ako sa apat na plastic na dala ko. "No thanks." At nag-umpisa nang maglakad. "Just help her." Seryosong sabi ni Logan. Nagulat na lang ako nang isa-isa nilang kinuha ang dala ko. "Wag kang mag-alala miss hindi kami masama. We just want to help you. Saan ba namin dadalhin ito?"-Lee, gusto ko ring sabihing alam ko namang mababait sila. "Hindi okay lang, ako nang magdadala niyang mga pinamili ko." Inaagaw ko naman sakanila pero inilalayo lang nang mga ito. Pinagtitinginan naman tuloy kami paano ba naman may mga kasama kang gwapo kapre sinong hindi mapapatingin at hindi lang isa kundi lima. Nasa unahan naman yung 4 na lalaki akala mo kung mga ramp model kung maglakad. Nahihiya tuloy ako to think na ngayon lang nila ako nakilala talaga at sila ngayon ko lang rin sila personal na nakilala. "Uy, daan mo na tayo sa food court nagugutom na ako" Narinig kong sabi ni Ian. "Parati ka namang gutom pards."- Lee "Basta daan muna tayo." "Tanungin muna natin si Captain."-Travis "Ikaw nang magtanong."-Ian "Psh mga takot! Ako na ngang magsasabi." Rinig kong sabi ni Lee, humarap naman ito kay Logan na seryoso pa ring naglalakad. "Captain..." "No." natawa naman ako dahil wala pang sinasabi pero may sagot na agad ito. "Wala pa akong sinasabi Captain." "And my response remains No." "Pag natapos na lang nating inihatid si Miss beautiful..Kain naman tayo kanina pa kami nagugutom." Hindi naman ito umimik at tuloy pa rin itong naglakad. "Tanungin natin si Miss Beautiful kung nagugutom."-Ian. Yah right! "Di ba gutom ka na Miss Beautiful?" Natawa naman ako dahil iniinganyo nila akong kumain para makakain rin sila. "Missy ang pangalan ko hindi Miss Beautiful." "So ano nga? Hindi ba gutom ka na?" "Sa apartment na lang ako kakain." Maikling sabi ko napasingot naman sila. Tinignan ko naman si Logan pero wala itong kibo hindi ko alam kung anong nasa utak nito. As usual bakit parang totoo yung panaginip ko tungkol sakanila. "Follow me!" nagulat naman kami nang magsalita ito. Nauna itong maglakad at hindi kami pinansin. Hindi nasa ako sasama pero nasa kanila ang mga dala ko. Pumasok naman kami isang restaurant pinauna naman akong papasukin nang 4 na lalaki. Hmmm, gentlemen! Buti pa sila yung isa walang pakialam. Bahala na nga tutal siya naman ang nag-aya. Natawa pa ako sa apat na kasama namin dahil nagbubulungan pa sila rinig naman. "Bro, mukhang mapapasubo tayo nito. Maliit lang yung budget na nasa wallet ko."- Rinig kong sabi ni Ian. "G*go nagsalita ka pa kasi."- Travis. "Anong malay ko naman na maisipan ni Captain." "Ikaw pagbabayarin namin kapag sumubra ng 15k yung bills natin."-Zeus "KKB tayo...ano kayo siniswerte." "Alangan namang pagbabayarin mo yung kasama nating babae."-Lee "Edi ambagan." Napailing na lang ako. Kala naman nitong mga ito hindi ko mababayaran ang kakainin ko. Napansin kong sikat ang restaurant na ito dahil na rin sa dami nang kumakain buti na lang at malaki at malawak ito kahit alam mong mukhang mamahalin ito kainan marami pa ring kumakain. Nakikita ko itong resto na ito pero never pa akong kumain dito. Sa pagkakaalam ko artista or model ang may-ari nito I'm not sure kaya siguro sikat rin ito. Nakita namang namin si Logan na nakaupo na sa isang table na may 6 na upuan. Umupo naman ako sa opposite side niya at tumabi saakin si Lee. Nahiya pa ako dahil pinaghila pa niya ako nang upuan. Nakatingin lang saamin si Logan hindi ko mabasa talaga kung anong iniisip ng lalaking ito. May dumating namang waiter at ibinigay ang mga menu napatingin naman ako sa mga pagkain mukhang masasarap naman ang mga ito pero nang mapatingin na ako sa presyo nito hindi ko inaasahang ganito pala kamahal parang gusto ko na lang kumain sa fast food pero nakakahiya kung aalis ka. "Do you want me to take your orders, Sir/Ma'am?" "I'll have sweet and 6 orders of spicy fried chicken, Chicken Teriyaki, shrimp oriental, 6 orders of ribeye steak with green peppercorn sauce, 1 Berry burlesque for our drinks, 2 orders of chocolate fudge ice cream, 2 orders of cookies and cream sundae, and 1 blueberry patch sundae. How about you?" Tumingin naman ito saakin. Inalis ko na rin ang pagkakatitig ko baka kung anong isipin niya. "Ganun na rin saakin blueberry patch sundae. Ahm, Can I add something?" Tanong ko naman. Tumango lang ito. "I'd like to add lavander lemonade to my beverages, and that's it. Thank you."" Inulit naman ng waiter ang mga order namin at sinabi na maghintay kami ng ilang minuto. Nang makaalis ang waiter biglang tumahimik sa table. I feel Ackward! Nang makarating ang orders namin walang sabi-sabing nag-unahan na sila sa pagkuha. Hindi ko inaasahang ganun sila katakaw. Tahimik lang kami habang kumakain, actually kaming dalawa lang pala ni Logan dahil yung apat ay panay kwento nakikinig lang ako. Kung saan-saan napupunta yung kwento nila para silang mga babae parang walang katapusan. Minsan tinatanong rin nila ako at sasagutin ko lang nang tipid. Kumakain na kami nang dessert na biglang magsalita itong katabi ko. "Hindi ko alam kumakain ka pala ng blueberry, Logan." Napatingin naman kaming lahat sakanya. Bakit naman sila nagugulat baka favorite naman talaga niya yan. Masarap naman itong blueberry ah. "Kaya nga, naalala ko dati noong binilhan ka ni Dexter ng blueberry tinapon mo yun. Dahil sabi mo na susuka ka." – Ian, hinihintay naman namin itong magsalita pero walang lumabas na salita sakanya. "Hays! Iba pala ang epekto nang aksidente sakanya."- Nagulat naman ako sa sinabi ni Zeus, pero hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Magsasalita sana ako para kumpermahin ang sinabi ni Zeus pero biglang nagsalita si Logan kaya hindi ko na ito naituloy. "I'm done, babayaran ko lang itong kinain natin. Hihintayin ko na kayo sa labas." Tumayo ito at naunang makaalis hindi na uli lumingon saamin. Yung mga kasama ko naman para bang nagulat pa. May nakakagulat ba doon? "Nakita niyo yun?"- nagtatakang sabi ni Lee. "Hindi lang nakita, narinig rin."- Ian "Totoo talaga? Siyang magbabayad?"- Travis "Nakita mo na di ba?" Zeus, hindi naman ako makarelate sa sinasabi nila. "Hello, nandito pa ako. Hindi pa ba kayo tapos?" "Pasensya na Missy, nagulat lang kami sa nangyayari ngayon."- tapos tumawa sila apat na para bang sila lang nakakaalam. Tinignan ko lang sila nang pagkalito. Pero tumawa pa rin ang mga ito. "Hindi lang namin iniexpect na magbabayad si Logan sa kinain natin ngayon." "Malay niyo mabait lang siya, saka wala lang sakanya yun. Mayaman naman siya." Komento ko, hindi naman big deal yun lalo na sakanya. "Huh! Akala mo lang, pero sa halos apat na taon naming kasama siya hindi niya ugaling manlibre nag-aamabagan kami hindi namin sinasabing kuripot siya. Pero ayaw niyang inaasa namin parati sa libre. Malakas nga ata talaga yung pagkakabagot niya." Hindi ko na lang pinansin kung anong pinagsasabi nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko. Totoo nga kayang naaksidente rin si Logan? Maraming pumapasok sa isip ko na mga tanong. Pero isa lang ang gusto kong malaman at gusto kong masagot. Possible kayang hindi lang coincedence ito? "Salamat uli sa pagtulong at pagpapakain saakin." Sinamahan nila ako hangang parking lot. Sabi nila uuwi na rin sila. "Wala yun, saka yung pagkain kay Captain ka magpasalamat."- Lee, tumingin naman ako kay Logan pero wala pa ring emosyon ito. "Thank you." Tumango lang ito. "Sige alis na ako. Ingat rin kayo sa pag-uwi." Binuksan ko naman ang pinto ng kotse ko at pumasok. Nakita ko namang kumatok ang mga ito kaya binaba ko ang bintana ng sasakyan. "Nice meeting you again, Missy. I hope we could see you again."- Lee. Tipid na Ngiti lang ang ibinigay ko. Pero sa loob ko I wish this would be the last time dahil ayoko nang mag-assume pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD