Cathy At dahil sa matinding panghihina kaya nakatulog ako ulit. Nang magising ako'y mukha ni Kean ang siyang aking nabungaran. Natutulog itong nakayakap sa akin. Tumatama ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. Hindi hadlang ang pagsara ng kurtina upang hindi ko mapagmasdan ng maigi ang kanyang mukha. Sumikip bigla ang aking dibdib sa isiping ang lalaking aking pinag-laanan ng buhay at nangarap na kami'y tatandang magkasama ay hindi ko pala pag-aari. Pero nalito ako sa sinabi nito kanina. Gusto kong tanungin ito sa kanya pero baka isipin nitong interesado ako kaya hindi na lang. Hindi pa rin naman nabawasan ang kanyang gandang lalake maliban sa kumapal ang kanyang balbas at may kaunting bigote ito, Humaba rin ang kanyang buhok hindi gaya ng dati na malinis tingnan. Pero may iba

