Cathy " Daddy hindi na po kayo aalis para mag work kahit kailan? " Pang ilang tanong na ni Keanna sa kanyang ama. Ilang araw na rin siya nandirito sa amin kaya nalinawagan na ako sa nangyari sa kanya noon. Alam kong nagsasabi siya ng totoo kaya pinaniniwalaan ko ito. Mahirap man tanggapin pero parehas lamang kaming na linlang ni Bianca at alo na nang mommy niya. Hindi ko lubos maisip na kinayang gawin ng isang ina na pasakitan ang kanyang anak mailayo lamang siya sa akin.kaya ako hinding-hindi ko gagawin ang ginawa ni mommy sa mga anak ko. Hindi ko hahadlangan kung sino ang gugustuhin nila at alam ko ganoon din si Kean. " Hindi na Princess Keanna." Sagot din ng daddy niya sabay kindat nito sa akin. May palagay na ako kung para saan ang kindat niyang 'yun. Simula kasi nang magkabalikan

