ROSALINDA "Rosalinda, ayos ka lang ba? Pasensiya na kung hindi ka namin nahandaan ng panlamig na kasuotan. Sa sobrang pag-aalala namin sa 'yo, hindi na namin naalala na malamig nga pala sa lugar na 'to." Lumingon ako sa direksiyon ni Andrei. Nakikita ko ang usok na lumalabas sa kanilang bibig. Maging sa paghinga ko nga lang ay may usok na rin. Tanda na malamig talaga sa kinalalagyan namin ngayon. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking naging karanasan. Sinong mag-aakala na pagkalipas ng ilang siglo ay magagawa na ring tirahan ng mga tao ang karagatan? Tama kayo ng pagkakabasa. Nasa ilalim nga kami ng karagatan ngayon at para kaming astronaut dahil sa suot naming pabilog sa aming ulo upang makahinga kami sa ilalim ng tubig. Napaka

