Kate pov
"Kate"
"James ikaw pala"
James Reyes kaklase ko nong High School.
"Salamat nga pala..kung di dahil sayo sana nakipag halikan na ako sa sahig"
"You're welcome..saan nga pala ang punta mo?"
"mag aapply sana ako ng trabaho . Ikaw?"
"Manager ako dito"
"ahhh...ganon ba"
nako lagot anong oras na..
"Ahmm..James mauna na ako ha..Thank you ulit"
"Cgeh.."
Agad akong nagtungo sa loob at umupo sa waiting area.
"Ms. Sandoval?"
Agad akong nagtungo sa babaing tumawag sakin.
"Ahmm...bakit po miss"
"gusto ka daw makita ng may ari ng Companya"
Ha? Bakit kaya ako gustong makita ng CEO nitong companya. Mag aapply pa lang naman ako ah.
Nang nakarating kami sa tapat ng opisina ng CEO agad na umalis yung babae kaya kumatok muna ako bago pumasok sa loob.
"G-good morning po sir"
Di ko makita yung muka niya kasi nakatalikod siya sakin.
Pero bakit parang familiar sakin yung likod niya.
"sit down"
Dali-dali akong umupo sa upuan malapit sa table niya.
Humarap siya sa akin at nagulat ako sa nakita ko.
No...di pwede...
Joseph Adrian Green, ang lalaking kinamumuhian ko.
Tatayo na sana ako ng nagsalita siya
"Naka lock sa labas yung pinto"
"Anong kailangan mo?"
"I'm sorry"
"Wala ka ng dapat ika sorry. Matagal na yun"
Di ko alam pero bakit parang naawa ako sa kanya.
Bakit parang may lungkot akong nakikita sa mga mata niya.
Hindi Kate ...wag kang magpadala sa kaniya.
Mauulit lang ang dati kung mahuhulog ka sa bitag niya
" You can start tomorrow"
"Ha?" nagtataka kung tanong
"balita ko mag aapply ka sa companya ko..kaya tanggap ka na as my secretary"
"agad-agad?"
"Yes"
"Ayaw ko. Di ako papasok sa companya mo."
Di pwede to..Mag hahanap nalang ako ng ibang trabaho..
"wag kang magtatangkang mag hanap ng ibang trabaho. Kilala mo ako kate"
Baliwalang sabi niya habang nakatingin sa laptop niya.
"Ano ba talaga kailangan mo"
Ansarap niyang sakalin. Bakit ba kahit kailan napaka bossy niya..
Sa loob ng tatlong taon di man lang siya nag bago sa pagiging bossy niya.
Tumingala siya sakin at ngumisi
"Gusto ko ang dating akin"
Tumayo siya at dahan dahang lumapit sakin kaya napa urong ako pero agad niyang nahapit yung biwang ko at hinawakan yung pisngi ko.
"I want you"