KINABUKASAN, inikot ni Lauren at Finn ang siyudad. Kung saan-saan sila nakarating kaya nanakit ang kanyang paa nang sumapit ang hapon. Lauren was wearing a denim skirt reaching her legs and a white shirt. Pinatungan niya lang iyon ng coat na umaabot sa kanyang tuhod. Samantalang si Finn ay puting t-shirt lang din, jeans at jacket. Isang itim na sling bag lang ang gamit ni Lauren at walking shoes. They shop, eat at nagpunta sa kung saan-saan tulad ng Senso-ji Temple kung saan parehas silang nagsuot ng traditional Japanese clothes. Sunod ay sa Meiji Jingu Shrine, Imperial Palace, at sa huli ay sa Tokyo Skytree. Hindi nila naikot ang lahat ng mga dapat puntahan dahil inabot na sila ng hapon. “Ow! Ang sakit na ng paa ko.” Umupo si Lauren sa couch pagdating sa kanilang suite. Minamasahe niy

