“I’M HERE to ask you to marry me.” Natigilan si Lauren sa sinabing iyon ni Finn. Nagtama ang mata nilang dalawa kahit pa napagigitnaan sila ni Brett. Tila pinigil ang kanyang hininga ng kung anong mabigat na bagay sa kanyang lalamunan sa narinig. “You have no right!” galit ni singhal ni Brett sa lalaki. “Really? Itutuloy ko lang naman kung ano ang napagkasunduan ng pamilya namin. Bakit mo nasabi na wala akong karapatan?” Finn asked in amusement. “Where do you get your guts, huh? Hindi ba’t nakipaghiwalay ka na kay Lauren? Anong akala mo? Basahan si Lauren na nasa sahig lang at naghihintay sa’yo ng anim na taon kaya gano’n lang kadali ang bumalik? Matapos mong makipaghiwalay noon, heto ka at sasabihin na itutuloy na lang ang kasal? Ang kapal naman ng mukha mo! Huwag mo akong patawanin!

