Bandang 7:30 am na ako nakauwi sa bahay ilang racket ang pinuntahan namin ng banda kasi kaya inabot ng umaga.
Natulog lang ako saglit sa bahay ng isa sa mga ka banda ko saka bumyahe na pauwi.
Alam ko kasi hinihintay ako ni mama chaka nakakahiya na din sa kaibigan kung si Jona na siyang sumasama or sinasamahan si mama sa tuwing me racket ako.
Malayo pa man ako rinig kona ang pagkakagulo o tamang sabihin na naririnig ko ang boses ng babae ni papa.
Bumusina ako ng malakas para mapatigil sila, kahit pagod . Galit akong pumunta at saka inilayo ang babaeng sumira sa buhay naming pamilya.
Mama ok ka lang ba, may masakit ba sayo tara dalhin kta sa doctor mo!
Takot akong iwan ni mama na baka mapano siya sa ginawa ng babaeng ito.
O-oo anak ok lang ako, teka bakit inumaga kana! Sabi mo hanggang 11 pm ka lang ah!
Oo nga pala hindi na naman nasunod ang oras na dapat sana'y uwi ko
Pasensya na po me bigla po kasing deal at tawag kaya po d na naka tanggi sayang ma! Pera din yon .
Sinuri ko ang ina ko
Gulo ang buhok at may kalmot sa leeg.
Napa igting ang panga ko sa galit, pilit kung kinakalma ang sarili. Kinuha ang cellphone at tinawagan ang magaling kung ama
Isang ring lang ito at sinagot agad.
Hello anak napatawag ka?
Get the hell out your woman here.
Pinatay ko ang tawag saka tiningnan ng kalmado ang babae ng ama ko!
Why are you here?
Kalmado ngunit may pag diin kung tanong sa kanya.
Natahimik ang mga tao sa boses ko, wala akong sinisino sa kanila, lahat sila humusga sa mabait kung ina na walang ginawa kung hindi ang mapaayos lang ang buhay namin.
Na siyang sumuporta sa ama ko sa lahat ng gusto niya at ngayon na may kakayahan na siyang mag negosyo bigla niya lang sinabi na ayaw na niya sa mama ko!
Natahimik ang babae, inayos ang sarili saka tumikhim.
Ehhemmm.. ahhh kasi Elie-
You don't have the right to call me that.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya
Yan kasi tawag ni mama sakin minsan Elay pa, walang karapatan ang babaeng ito sa buhay namin.
Tanging ang ina ko lang at mga malalapit kung kaibigan ang tumatawag sakin niyan.
Hindi siya ka aano ano o kapamilya kaya wala siyang karapatan .
Pasensya na alam ko mali peru kasi, madaming nag sasabi na sinisiraan ako ng ina mo tapo, tapos t-
Tapos ano! Anong karapatan mo saktan ang ina ko?
Galit kung turan na siyang kinalunok niya.
Sagad sa buto ang kinikimkim kung galit sa kanya.
Siya ang sumira sa pamilyang buo dati na ngayo'y sira na.
Pwede ba walang ginagawa ang ina ko sa inyo , lumayo na kami ah! Hindi paba sapat na sinira mo na nga ang pamilya namin? Ano paba ang kailangan mo!
Hindi naman sa ganun Eliana, nadala lang ako pasensya na.
Galit na galit akong tumingin sa kanya.
Nadala? Kung e hampas ko sayo itong dalang helmet ko, at sasabihin ko nadala lang ako so it means ok lang tama ba?
Sakto namang dumating ang magaling kung ama nang sabihin ko iyon.
ELIANA.....
Ilang hakbang ang ginawa nito para lang maharangan o ma protektahan ang babae niya, napansin ko ang lahat lahat. Hahahahah dba ang G*G@ LANG sa amin ni mama hindi niya pa nagagawa yun, tapos sa babae niya halos kulang nalang mag isa katawan nila para lang maprotektahan.
Napa balik ako sa ulirat nang hatakin ako ni mama.
Naiiyak ako sa sobrang galit.
Anak tama na! Ibigay na natin ang gusto nila Tama na.
Parang tinusok ng ilang kutselyo ang puso ko nang marinig ko ang boses ni mama na umiiyak.
Ilang taon nabang ganito lagi, ilang taon naba kaming nagtitiis sa lahat ng pang iinsulto nila sa amin ng ina ko.
Durog na durog ang puso ko nang marinig ang hikbi niya.
Ngayon lang ulit, ngayon ko lang ulit narinig si mama na umiiyak.
Galit kung nilingon ang magaling kung tatay na chene check kung ok ba ang babae niya.
At sa sinabi ni mama gets ko na sumusuko na siya sa kasal nila ni papa.
May piont siya peru, ang sakit lang kasi bakit kailangan hahantong sa ganito?
Bakit ang pamilya ko pa?
Lunok laway akong nag salita na.
Makaka alis na kayo sa pamanahay namin ng ina ko!
Napatingin si Papa sakin na para bang nakikiusap, ilang beses na niyang sinubukan na kausapin ako peru para ano pa?
Hindi mo pag aari ang bahay na ito Eliana o kahit si Elizabeth.
Napa igting ang bagang ko sa sinabi niya.
Ha! Ang lakas ng loob ng kabet nato ah!
Sabi ng kaibigan kung si Jona
Nilingon ko siya at tiningnan ng kalmado.
Really ha Akira? Did you ask the man protecting you na siyang asawa ng ina ko sa mata ng dyos at sa mata ng batas, did you ask him if he give me money to have this house?
Tama na Akira let's go.
No Anthony, your daughter needs to know .
At anong dapat kung malaman, na kabet ka? Matagal ko nang alam yan Akira, para sa pag kaka alam mo at sa ikakatahimik ng buhay namin, cge sasabihin ko sayo.
Bahay namin ng ina ko ito, dugo at pawis ang puhunan ko para lang mabayaran ang munti naming bahay, ikaw ano? P*ke mo ang pinuhunan mo dba? Kaya nga nakuha mo yang magaling kung tatay kasi bumukaka ka!
Eliana tama na! Nagiging bastos kana ah. Yan ba pagpapalaki sayo ng mama mo?
Natawa ako sa sinabi ng magaling kung ama, magkahaling galit, poot at hinanakit lahat yun tinawa ko lang
Anong karapatan mong kwestunin ang pag papalaki sa akin ni mama, umalis na kayo habang malamig pa ang ulo ko at nakakapag isip pa ng maayos!
Napatigil sila pati mga tao na nakiki chismis ay napatigil din
Kilala akong mahinahon sa lahat ng bagay, alam ng tatay ko yan peru hindi nila gugustuhin na magalit ako un ang hindi pa nila nakikita.
Isang beses akong nagalit nong araw na nalaman ko nambabae siya at naka buntis.
Yun lang ang hulit una.
Anak hindi sa ganun pa-
Makaka alis na po kayo pakiusap wag muna isama o papuntahin ang babae mo dto sa pamanahay namin ng ina ko!
Tara na ma.
Inaya kona ang ina ko sa loob kasama si Jona, anong oras na namn ako nakauwi.
2 hours lang tulog ko may pasok pa ako ng 1 pm sa school.
Pagod akong napa upo sa sofa at gusto sanang matulog peru.
Aray ko ma! Aray aray bakit po?
Ikaw na bata ka san mo natutunan managot ng ganun ha! D kita tinuruan ng ganun tatay mo padin un.
Tatay nga wala namng kwenta.
Aray nmn ma masakit na.
Anong binubuling mk dyan ha!
Wala po.
Bakit anong oras ka nang nakauwi, papatayin moba katawan mo ha Elay.
Mama Elay Elay na nmn tawag mo, ang dami ko nang pangalan sayo mama.
Aray ko ma masakit na tenga ko!!
Nakita ko sa tabi tatawa tawa lang si Jona habang umiinom ng coke.
Teka bakit may coke dto?
Pag iiba ko ng usapan.
Kalma best ako ang bumili hindi nmn uminom si Mama e.
Napahinga ako ng maluwag nang marinig yun
Aray ma teka nga lang makaligo na nga.
Anong- ikaw na bata ka mamaya kana maligo , puyat kapa hala cge kumain na tayu.
Yun mabuting desisyon yan mama
Sabi ni Jona na tatawa tawa lang.
Ako naman natawa nalang din sa panenermon ni mama.