8 Months later... "Ma'am Emily, dahan-dahan po, baka matumba kayo! Naku ako talaga ang malalagot kay Doctora Romano, kapag may nangyaring masama sayo Ma'am!..." nag-aalalang sabi ni Nurse Zindy, habang inaalalayan niya si Emily na palabas ng banyo. "Salamat talaga Nurse Zindy, dahil lagi kang nandyan para alagaan ako. Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin kapag wala ka dito? Ang laki-laki pa naman ng tiyan ko at ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko." tugon naman ni Emily, umupo na lang siya sa ibabaw ng kanyang kama dahil napaapgod talaga siya sa kanyang kalagayan. Napaka laki ng kanyang tiyan at hindi na rin niya makita ang kanyang nilalakaran. Dahil ang tanging nakikita niya ay ang kanyang napaka laking tiyan na tumatakip sa kanyang harapan. Pati ang kanyang mga paa ay hindi na

