Maagang pinaliguan ni Emily ang kanyang kambal na anak, dahil darating ngayon si Doctora Paulyn Romano, upang bigyan ang kambal ng kanilang immunization. Mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas, mag mula ng maisilang niya ang kanyang mga anak. Ngayon ay malalaki na sila at parehong malulusog ang mga ito. Pareho din magaling kumain ang kanyang kambal, kaya mabilis talaga silang tumaba. Pina pad€d€ parin niya ang kanyang kambal, kahit napakaraming stock na Milk Formula para sa kambal. Ito kasi ang sabi sa kanya ni Doctora Romano, na dapat ay pad€d€hin niya ang kambal kahit sa loob lamang ng tatlong buwan para mas malusog at hindi sakitin ang kanyang mga anak. Kaya naman salitan niyang bine- breastfeed ang kanyang kambal para maging malusog sila at hindi sakitin. Matapos niyang mapaliguan

