PAG BUKAS ng Elevator ay mabilis na lumabas ang mga Bodyguard ni Emily, saka sila tumayo sa daraanan niya na naka yuko. Pag labas naman ni Emily ay deretso lang siya na nag lakad, patungo sa may CEO's Office, kasunod ang kanyang mga Bodyguard. Agad naman na bumukas ang Glass sliding door, papasok sa may Office ni James, kaya tuloy-tuloy silang pumasok sa loob. Carpeted ang mga sahig ng buong Top Floor kung saan naroroon ang Office ni James at Nathan, kaya hindi mararamdaman ang mga yapak ng mga taong paparating kung meron man. Hanggang sa marating nila ang Desk ng Secretary ni James, pero hindi man lang sila binigyang pansin nito. Nagtaka din si Emily, dahil hindi man lang sila naramdaman ng Secretary na pumasok sa loob at naka harap lang ito sa kanyang Computer. Kaya naman dahan-dahan n

