EMILY'S POV MATAPOS ang kasal ni Nathan ay napag pasyahan naming mag bakasyon na buong pamilya sa Isla Paraiso. Tinawagan kami ni Jasmine at niyaya kaming mag bakasyon daw, kaya naman sumang-ayon ako kaagad. Gusto rin makita ni James, ang Isla Paraiso, kung saan ako ipinanganak at lumaki, kaya mas excited pa siya sa akin na pumunta. Napaka tagal na rin pala akong hindi bumabalik sa aking sariling probinsya. Bahagya ko na rin nakalimutan ang lugar, kung saan ako ipinanganak at lumaki. Dahil mag mula ng sunduhin ako ni Nathan, mula sa aking maliit na bahay sa isla ay hindi na ako nag balak na balikan pa ito. Dahil siguro sa saya na bumalot sa aking puso noong magkita-kita na kaming pamilya. Lahat ng lungkot ko at pangungulila sa aking mga anak ay biglang nag laho, mag mula ng mabuo na kami

