PAGPASOK nina James at Emily sa kuwarto ay agad na ini-lock ni James ang pinto. Bigla naman kinabahan si Emily, dahil sa ginawang pag locked ni James sa pinto ng kuwartong kinaroroonan nila. Para kasing nakikita na niya ang mga susunod na gagawin ni James sa kanya. Napaka lakas ng kaba niya, habang pinag mamasdan ang loob ng kuwarto na kinaroroonan niya. Napaka laki nito at napaka ganda rin ng pagkaka ayos ng loob nito. May malaking kama na parang ang lambot higaan at alam niyang makakapag pahinga siya ng husto dito kapag dito siya natulog. Puti ang bed sheet at pati ang Comforter. Bigla tuloy siyang nag-init, dahil muli niyang na alala ang kama nila noon ni James sa Private Island. Katulad na katulad ng ayos ng kamang nasa harapan niya ngayon. Pati ang mga pulang bulaklak na nasa ibabaw n

