JAMES'S POV Nathan is right. Kailangan ko na nga talagang ipakilala si Jasmine sa publiko. Isa siyang tunay na Del Valle at karapatan niyang makilala bilang anak ko. Kailangan na rin siguro kaming umuwi sa Pilipinas, upang mabantantayan ko ang mga Negosyo na iniwan sa amin ni Natasha. "James, kanina pa kita tinatawag. May problema kaba?" bigla akong napalingon sa aking likuran dahil sa pagtawag sa akin ng aking asawa. Tinatawag pala niya ako, pero hindi ko naririnig dahil sa malalim kong pag-iisip. "Mahal, pasensya kana, may iniisip lang kasi ako." sabi ko sa asawa ko, saka ko siya sinalubong ng halik sa labi. Napaka ganda parin niya kahit nagkaka edad na. Para sa akin ay lalo siyang bumabata. "Kakain na, tara na sa Dinning." wika niya, saka niya ako hinila, patungo sa Dinning. Nag

