KABADONG nagpabalik-balik ng lakad si Nathan, sa labas ng kuwarto ng kanyang mga Magulang. Masyado siyang nag alala sa kanyang ina, na bigla na lang nawalan ng malay sa loob ng banyo dahil sa biglang pagka hilo nito. Halos mabingi rin silang lahat sa malakas na sigaw ng kanyang ama, dahil sa pagka taranta nito kanina. Kitang-kita niya ang mukha ng kanyang Daddy, ang pamumutla at nanginginig din ang katawan nito dahil sa matinding takot. Agad din nilang tinawagan ang Doctor na kaibigan ng kanyang ama, upang matingnan ang kanyang Nanay. Mabuti na lang at dumating din ito kaagad, upang matingnan ang kanyang ina. Ngunit pilina labas siya kanina ng kanyang ama, para ma check ng Doctor ang kanyang Nanay. Halos 20 minutes din siyang nag hintay sa labas, bago bumukas ang pinto at nakita niyan

