"Mahal, nagustuhan mo ba ang mga pagbabago dito sa Island?" tanong ni James, kay Emily, habang naglalakad sila sa dalampasigan. "Oo, ang ganda na dito. Parang yun pinuntahan natin dati sa Brazil. Paano mo ito pinagawa?" nakangiting tanong ni Emily sa kanyang asawa, dahil pakiramdam niya ay nasa Rio de Janeiro siya ngayon. Meron din ipinagawa si James na isang kubo sa tabing dagat, kaya meron na silang masisilungan kapag mainit ang sikat ng araw. "Walang imposible 'pag pinagana ang pera Mahal ko." naka ngiting wika ni James, saka siya tumigil sa paglalakad at hinila si Emily, palapit sa kanya. "Pero ang nagawa mo sa buhay ko ay hindi kailanman matatapatan ng pera. At habang buhay kong ipagpapa salamat ang lahat ng yun sa dios, dahil sayo ay nabuo ang pamilyang pinangarap ko ng matagal n

