SA LOOB NG ISANG LINGGO na nasa Milan sina James at Emily ay talagang inikot nila ang buong City ng Milano. Masayang masaya naman si Emily sa kanilang Honeymoon ni James. Dahil sulit na sulit talaga ang kanilang bakasyon na mag-asawa. "Nag enjoy kaba, Mahal?" tanong ni James kay Emily, habang sakay sila ng eroplano pauwi ng Paris. Nasanay na rin si Emily na lagi siyang sumasakay ng eroplano. Dahil laging ito ang gamit nila kapag may pinupuntahan sila na lugar ni James. "Oo, Mahal. Nag enjoy talaga ako ng husto. James, salamat sa pag paparanas sa akin ng lahat ng ito. Akala ko noon, mananatiling pangarap na lang ang lahat at maging sa panaginip ay hindi ko makikita ang Milan." wika ni Emily, habang naka pilig ang kanyang ulo sa balikat ni James. "Mahal, iba na ang buhay mo ngayon. Ka

