Nathan's POV Palabas na ako ng University ng mahagip ng mga mata ko ang isang babae na naka upo sa isang Bench. Hindi ako maaring mag kamali, dahil siya ang babaing hinahanap ko one week ago. Pinag masdan ko muna siya at kinilatis na mabuti ang babae. Ngunit tila may nag-uutos sa akin na lapitan ko siya upang kilalaning mabuti. Kaya nag simula na akong humakbang, upang lapitan siya. Tumigil ako sa may likuran ng babae, saka ko tiningnan ang kanyang ginagawa. Nakita kong nag e-sketch siya ng mga design ng damit sa kanyang Sketch pad. Bigla akong nagka interest sa kanya at sa kanyang ginagawa. Dahil parang si Mommy, lamang siya na magaling sa pag sketch at pag gawa ng mga bagong design ng mga damit. "That is so beautiful!." hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi purihin ang ginagawa

