"Sandali po Ma'am Emily at tatawagan ko si Dra. Romano. Baka may alam siyang Resto na masarap mag luto ng Spaghetti." Sabi ni Nurse Zindy, saka nag dial sa kanyang cellphone. Humiga na lang ako sa malapad na sofa, para makapag pahinga at hintayin na rin ang order ni Nurse Zindy na Spaghetti ko. Parang gusto kong umiyak, dahil sa Spaghetti na gusto kong kainin. Bakit kasi ayaw ng baby ko ang Spaghetti ni Ate Judy Ann, eh ang sarap naman. "Ma'am, naka order na po ako ng Spahetti sa Restaurant na ene-recommend ni Dra. Romano. Masarap daw ang luto nilang Spaghetti doon ma'am, at pang world class ang lasa." naka ngiting sabi sa akin ni Nurse Zindy. "Thank you Nurse Zindy..." pasalamat ko sa kanya. Halos isang oras din ang hinintay namin, saka dumating ang Food Delivery Service na may da

