Chapter 10 - Lurhen "Home sweet Home"

2219 Words
"Hoy! Huwag kayo makalimot kahit nakauwi na kayo ha! Mangako kayo na walang makalimot. Balitaan ninyo kami at saka salubungin ninyo kami ng bonggang-bongga pag-uwi namin," pigil ang luha na sabi ni Carla. Mabuti na lang at nagkataon na day-off ni Samuel at Carla kaya na kasama sila sa paghahatid sa amin ni Josephine. Sa mga nakalipas na linggo naging abala kami ni Josephine sa pag-aayos ng mga gamit namin. Napadala ko na ang mga gamit ko pati na rin ang mga pinamili ko na pasalubong. Kinausap ako ng pinaka-boss ko at sinabi na kapag nagbago ang isip ko pwede pa rin ako bumalik. Nangako siya sa akin na kung ano ang naiwan ko na position ay iyon pa rin pagbalik ko. Nakakatuwa na marinig iyon mula sa kanya dahil ibig sabihin ay nakita niya ang hard work ko. Kung siguro bata-bata pa ako at baka na consider ko ang sinabi niya pero sa edad ko ngayon desidido na ako na buuin ang mga pangarap namin ni Erwin. Ang alam ni Erwin ay na mag-training ako for one week kaya magiging busy ako. Hindi naman siya nagtanong pa at sinabi niya maging busy din siya. Gusto ko sabihin sa kanya na hindi na ako makapaghintay na makasama siya pero ayaw ko masira ang supresa ko. Walang katapusan na kwentuhan at tawanan habang nasa van kami para malibang kami kahit pa nga namumula na ang mga mata namin. Ilang buwan pa kasi bago makauwi ang dalawa at desidido na rin sila na hindi bumalik. Malungkot ako dahil pansamantala na magkakahiwalay kaming apat pero ilang buwan lang naman at magkakasama na rin kami. Si Samuel at Carla ay maiiwan dito, si Josephine naman ay uuwi sa probinsya nila para asikasuhin ang tungkol sa Ex-husband niya at ako naman ay may mga aasikasuhin din. Malaking bagay ang maitutulong ng iniwan ni Papa sa akin bukod sa matutupad na namin ni Erwin ang pangarap namin ay makakasama ko pa ang mga kaibigan ko. "Gusto ko kapag sumalubong kayo iyong may pa-banda at malaking tarpaulin," singit ni Samuel at nagtatawanan kaming apat. "Basta hintayin namin kayo para simulan na natin ang pagsasanib pwersa," natatawa na sabi ni Josephine at mas lumakas ang tawanan namin. "Mabuti na lang pumayag si Erwin na sumama tayo sa business nila. Inaasahan ko kasi pag-uusapan pa ninyo ng matagal ang tungkol doon. Syempre matagal na ninyo plano na dalawa iyon bago bigla kaming umextra," sabi ni Carla. "Sigurado na papayag iyon kasi hindi naman sa kanya manggaling lahat ng - "Awat na baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito. Nandito tayo para pansamantalang magpaalam sa isa't isa," saway ni Josephine kay Samuel at ngumuso lang siya saka malungkot na tumingin sa akin. "Ano ba kayo magkikita pa ulit tayo nagkataon lang nauna kami ni Jho at saka pwede pa rin naman tayo mag-usap sa chat o video call. Huwag na kayo malungkot at mag-ingat kayo palagi. Sobrang mamimiss ko kayong dalawa," emosyonal na sabi ko at niyakap ko silang dalawa. "Huwag naman kayo ganyan naiiyak na tuloy ako," sabi ni Josephine ng mapansin niya na umiiyak na kami saka siya yumakap na rin sa amin. Nawala man si Papa pero alam ko na hindi ako iiwan ng mga kaibigan ko lalo na ang pamilya ko. Dinamayan ako ng mga kaibigan ko sa panahon na kailangan ko ng taong nagpa-alala na magiging okay lang ang lahat. Pinagaan nila ang pakiramdam ko kahit pa nga sobrang bigat sa kalooban. "Akala ko ba walang iiyak? Bakit umiiyak kayo? Para tuloy tayo mga baliw dito tumatawa lang tayo kanina bago ngayon naman umiiyak," sabi ni Josephine habang pinupunasan ang mga luha niya. "Pumasok na kayo sa loob para makapag-check in na. Safe trip sa inyong dalawa," sabi Samuel. Nagkatinginan muna kami ni Josephine saka tumango. Nagyakapan muna kaming apat at nagpaalam sa isa't isa. Tulak ang malaking cart ay naglakad na kami papalayo. Bago kami tuluyang pumasok ay lumingon kami at kumaway sa dalawa. Masaya na malungkot ang nararamdaman namin sa oras na iyon. "Ano ang nararamdaman mo ngayon, Lurhen?" tanong niya habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Nasa loob na kami ng eroplano at hinihintay na lang ang iba pang pasahero. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nakatingin sa labas. Ilang taon ko rin naging tahanan ang lugar na ito. Mahirap man malayo sa pamilya pero nakatagpo ako ng pangalawang pamilya rito. Hindi lang ang mga kaibigan ko pero halos lahat ng nakilala ko na mga Pilipino rito. Kahit saan ka naman lumingon at pumunta ay may makikita ka na Pilipino. Nakakalungkot dahil iiwan ko na sila at hindi ko sila makakalimutan. Masaya ako dahil makakasama ko na rin sa wakas ang pamilya ko at si Erwin. Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na kailangan pa lumayo sa kanila. "Naisip ko lang Jho iyong unang araw na dumating ako rito. Takot ako noon dahil iba't ibang tao ang makakasalamuha ko at higit sa lahat malayo sa pamilya ko. Ang nasa isip ko lang habang nakasakay ako sa eroplano papunta rito ang mga pangarap ko para sa kanila at para na rin sa akin. Pero sa pagtagal ng panahon ay nasanay na ako at naging kumportable. Ang dami ng nangyari sa atin dito. Marami akong mamimiss dito ang mga pagkain, mga pinupuntahan natin at mga kaibigan natin. Malungkot ako pero masaya rin at excited na umuwi sa mga mahal ko," salaysay ko habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. "Ganoon talaga Lurhen may mga bagay tayo na kailangan iwan dahil may naghihintay sa atin," sabi niya at tinapik niya ang balikat ko. "Ikaw Jho, ano ang plano mo pagdating natin? Sino pala ang susundo sa iyo?" tanong ko at saglit siya na yumuko. "Susunduin ako ng Tito ko at doon muna ako sa kanila habang inaayos ko ang lahat. Kailangan namin magharap para pag-usapan ang lahat. Ngayon lang ulit kami magkikita mula ng palayasin ko siya at ngayon lang din ulit kami maguusap. Akala ko hindi na darating ang araw na ito dahil tinapos na namin ang lahat. Kung tatanungin mo kung ano ang nararamdaman ko, hindi ko alam. Hindi ako malungkot dahil mas nanaig ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko matukoy kung bakit ako nagagalit sa kanya o sa sarili ko. Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin ako okay. Nandito pa rin ang sakit pero kailangan ko itago at pilitin na kalimutan. Umaasa ako na kapag nagkaharap na kami at nag-usap ay magkaroon na kami ng closure. May mga bagay din ako na kailangan ayusin na matagal ko na iniiwasan. Pinagsisihan ko na binalewala ko siya at mas pinili ko ang lumayo. Gusto ko bumawi sa kanya at sana hindi pa huli ang lahat," pigil ang luha na sabi niya. "Kanino, Jho?" nagtataka na tanong ko. Sa pagkakakilala ko sa kanya ang alam ko patay na ang mga magulang niya. Hindi ko lang matandaan kung may nabanggit ba siya na kapatid dahil sa pagkakaalam ko ay wala. Pero hindi Nakakapagtaka dahil sa aming apat si Josephine ang pinaka-tahimik. Hindi siya mahilig magkwento lalo na sa buhay niya unless siya mismo ang magsabi. "Isang tao na alam ko na kinamumuhian ako dahil binalewala ko siya. Gagawin ko ang lahat para itama ang lahat ng pagkakamali ko basta bigyan lang niya ako ng pagkakataon," sagot niya saka yumuko. Hindi na ako nagtanong pa dahil kung gusto niya sabihin ay siya na ang magkusa na mag-open. Tumango-tango lang ako at tinapik ko ang kamay niya para pagaanin ang nararamdaman niya. Kita ko naman sa mukha niya ang lungkot. Kumpara sa dinadala ko ay ramdam ko na mas mabigat ang sa kanya. "Mabuti kang tao Jho at alam kong magiging okay din ang lahat. Ipakita mo lang sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kahalaga ay siguradong maintindihan ka niya. Nandito lang kami kung kailangan mo ng nakakausap at ng tulong," nakangiti na sabi ko at tumingin siya sa akin saka ngumiti. Hindi nagtagal at napuno na ang eroplano. Nagbigay ng instructions ang flight attendant at naramdaman na namin ang paggalaw ng eroplano hudyat ng pag-take off. Magkahawak kamay kami ni Jho habang nangyayari iyon. Mahaba pa ang biyahe pero hindi ko iyon alintana dahil mas excited ako. Inabala namin ang sarili sa panonood ng pelikula hanggang sa makatulog. "Lurhen," narinig ko na tawag sa pangalan ko at ramdam ko rin ang sunod-sunod na pagtapik sa braso ko. Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko at napatingin ako kay Josephine. Tinuro niya ang bintana at napatingin din ako roon. Gabi kami umalis ng Dubai kaya expected na umaga kami makarating ng Pilipinas. Napangiti ako nang makita ko ang maliwanag na kalangitan. Mga ulap pa lang ang nakikita ko pero alam ko na malapit na kami. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon kumpara sa mga nakaraan ko na pag-uwi dahil siguro alam ko na hindi na ako babalik. Sobrang saya ko habang pinagmamasdan ko ang mga ulap sa labas ng eroplano. Naglalaro sa isip ko kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ko lalo na ang kay Erwin. "Mabuti pala hindi nagtataka si Erwin sa dinahilan mo sa kanya" tanong ni Josephine at napatingin ako sa kanya. "Kahit ako pero naisip ko sa sobrang busy at dami rin niya na iniisip kaya hindi na siya nagtaka. Okay na rin iyo kasi kung sakali baka nahirapan ako magpaliwanag sa kanya. Sigurado na magagalit siya sa akin dahil nilihim ko sa kanya pero worth it naman dahil makikita ko siya na gulat na gulat. Maintindihan din naman niya ang lahat kapag ipinaliwanag ko na sa kanya. Alam ko na excited siya makarating ng Dubai pero mas magiging excited siya kapag sinabi ko na hindi lang iyon ang pwede namin puntahan sa honeymoon namin. Hindi na rin ako makapaghintay na planuhin ang kasal namin na matagal ko na gustong-gusto gawin. Unahin muna namin asikasuhin ang kasal bago ang pagsisimula ng business pati na rin ang dream house namin. Matagal na namin natapos ang paghuhulog sa lupa na binili namin at ngayon sa wakas ay mapatayuan na namin ng bahay. Ang dami namin plano na noon ay hindi namin alam kung paano uumpisahan pero ngayon sa tulong ni Papa lahat ng iyon ay magagawa na namin," masaya na sabi ko. "Masaya ako para sa inyo Lurhen, napakaswerte mo at deserve mo lahat ng ito. Wala ka ng iniisip kung hindi ang ibang tao kaya ngayon sarili mo naman ang bigyan mo ng oras. Kailangan sulitin ninyo ang honeymoon para naman magkaroon na agad kami ng inaanak," nakangiti na sabi niya at napangiti ako. Ang swerte ko nga talaga dahil may mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin. Wala naman akong pinagsisihan na sila na inuna ko kaysa sa sarili kong kaligayahan dahil sila naman ang buhay ko. Napag-aral ko ang mga kapatid ko at binigyan ko ng maginhawang buhay ang mga magulang ko masaya na ako roon. Ang kaligayahan nila ay kaligayahan ko na rin kaya nga hangga't maaari ay gusto ko na lagi silang masaya. "Magdilang anghel ka sana Jho, sana nga mabiyayaan agad kami ni Erwin," nakangiti na sabi ko at pinaglapat ko ang dalawang kamay ko para manalangin na magkatotoo. "Huwag ka mangamba Lurhen dahil sigurado ako mangyayari na iyon. Ito na ang perfect timing na hinihintay ninyong dalawa. Huwag ka lang mawawalan ng pag-asa at patuloy ka lang manalig sa kanya," sabi niya at nakangiti na tumango-tango ako. Pagkalipas ng ilang oras ay narinig na namin ang boses ng pilot para ipaalam na sa Philippine territory na kami. Parang sinusundot ang puwit ko dahil hindi ako mapakali sa upuan ko. Isang linggo bago ako magpakita sa kanila dahil sa mga aasikasuhin ko. Sa loob ng isang linggo makakapag-plano pa ako kung paano ko sila susupresahin. "Home sweet home!" sabay na bigkas namin paglabas namin ng eroplano at sabay din kami tumawa. Pagdating namin sa arrival ay nakita ko agad ang pangalan ko at nagulat ako ng makita ko kung ano ang itsura ng may hawak noon. Isang beses lang kami nag-video call at ibang-iba siya sa personal. "Iyan ba ang attorney mo?" hindi makapaniwala na tanong ni Josephine at nagkibit-balikat ako. "Hi Lurhen, welcome!" pormal na bati niya at pareho kaming nakatingin sa kanya. "Thank you Clinton. By the way this is my friend Josephine," pagpapakilala ko sa katabi ko. "Jho, this is my father's attorney Mr. Clinton Vargas," baling ko naman sa kanya at gusto ko matawa sa reaksyon ng kaibigan ko. "Nice to meet you," sabi ni Atty. Vargas at nilahad ang kamay Kay Josephine na tinanggap naman niya. Nagpalit-lipat ang tingin ko sa dalawa habang magkalapat pa rin ang mga kamay nila. Napangiti ako dahil mukhang may sarili na silang mundo. "Nasaan na pala ang sundo mo?" tanong ko para basagin ang moment nila. "Ha? Hindi ko alam, baka nandito lang iyon. Mabuti pa ay mauna na kayo. Ingat kayo sa biyahe at tawag-tawagan na lang," tugon niya. "Ayaw mo ba na samahan ka muna namin maghintay?" tanong ko at napatingin siya kay Atty. Vargas saka umiling. "Okay. Ingat ka rin," tugon ko. Nag-beso muna kaming dalawa at nagyakapan bago kami naglakad papalayo. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang may something ang dalawa kaya umiiwas si Josephine. Si Atty. Vargas na ang nagtulak ng cart ko hanggang sa parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD