Kabanata 11

2052 Words
EPISODE 11: Ang Mga Bisyo ni Darrex Lavisto MABILIS na inawat ng mga kasama niya si Darrex na pasunggab na kay Juno, niyakap ni Tyron sa tiyan ang kanyang kaibigan habang si Ethan at Jazerou naman ang nakahawak sa magkabilaang braso nito. Samantalang, si Arthur at Ash ay sa magkabilaang paa nito. "Lakas ng loob mong takpan ang bibig kong duwag ka! Harapin mo ko, duwag!" 'Di naman siya pinansin ni Juno sa pagwawala niya, na pagapang ng bumabalik sa loob ng mansyon na parang walang nangyari. Kinuha ko naman na oportunidad iyon para kunin ang b*a kong nakasuot kay Jazerou at panty kong ginawa niyang sumbrero. Wala naman itong nagawa dahil 'di naman niya mabitawan ang nagaalburuto niyang kaibigan, matapos kong makuha sa kanya ang mga gamit ko ay isang sabunot at malakas na sipa mula sa pagitan ng hita niya ang ginawa ko. "Goodluck sa pag-awat sa kaibigan mo," nakangiti kong sabi, nakita ko ang mukha niyang hindi maipinta dahil sa pamimilipit sa sakit buhat ng pagkakasipa ko. Hinubad ko naman ang panty kong asul sa ulo ni Tyron, at malakas na sabunot ang ginawa ko sa kanya kaya napasigaw ito. Kanina pa talaga ako nanggigil sa kanya, nang naglalaro pa lang kami ng volleyball. Wala naman itong nagawa kundi ngumuso na lang at sumimangot dahil 'di siya makakaganti sa akin. "Bansot, yakapin mo lang 'yang kaibigan mong sanggano, ginusto mo 'yan eh," tinapik-tapik ko ang ulo niya at pumasok na sa loob ng mansyon. Abot-langit ang ngiti ko pag-upo ko sa sofa, parang hindi na rin masama na natalo kami dahil parang nakaganti na rin ako, kasi nabadtrip si Darrex at nakuha ko naman na ang b*a at panty ko sa dalawa. Natatawa na nga lang ako panoorin sila sa labas dahil patuloy parin na nagwawala ang sanggano at pilit nilang pinapakalma ito. Pagsapit ng gabi ay maagang umakyat ang halos lahat maliban kay Darrex na nagpaiwan dito sa sala, kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang nakalahad ng pahaba ang dalawang kamay sa sandalan. Nakasuot na naman ito sando, naiba lang ang kulay ngayon dahil kulay itim na ang suot niya, ganoorin ang suot nitong short. Nagtataka nga ko sa lalaking ito ang hilig magsando, malamig naman sa loob ng mansyon, ako nga minsan balot na balot dahil nilalamig, lumalabas na nga lang minsan kapag nangangatog kasalungat naman sa lalaking 'to. Patingin-tingin naman ito sa akin na dahilan para nanlaki ang mga butas ng ilong ko, wala naman siyang ginagawa, sadyang nando'n lang siya. Nakahalukipkip lang ako at sumisimangot tuwing nahuhuli ko siyang tumigingin sa akin, balak ko pa naman sanang matulog nang maaga. Napatingin ako sa orasan at pasado alas diyes na ng gabi, kapag ganitong karaniwang oras talaga ay umaakyat na sila para magpahinga at matulog. Ewan ko ba sa lalaking ito at anong trip kung bakit gising pa rin at dito pa tumambay sa sofa kung saan ako natutulog. "Hoy, sanggano! Pwede bang umakyat ka na sa taas!" utos ko. "Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka naman nang gagawin dito, ano papanoorin mo ko matulog?" Umismid lang ito at sinulyapan lang ako ng tingin. "Bago ka pa dumating dito, matagal nang nakalagay dito sa sala ang mga sofa na 'to. Atsaka, 'wag kang umasang papanoorin kitang matulog, ampanget mo kaya," bahagyang natawa pa ito. Napataas ang isang kilay ko, kahit kailan ang lalaking 'to hindi talaga marunong gumalang ng babae. Bahala ka sa buhay mo, basta naniniwala ako na maganda ako, kahit sabihan mo ko ng panget, maganda pa rin ako. Humiga na lang ako at bahagyang inunat ang mga paa ko para mairita siya hanggang sa makapa ng talampakan ko ang hita niya, mahina ko pa siyang sinipa ng mga daliri ko para mas lalo itong mainis. Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin, "Iunat mo pa 'yang mga talampakan mo, hinahamon kita, ipatong mo dito sa mga hita ko." Marahas niyang hinila ang mga paa ko at ipinatong sa mga hita niya. "Iyan ba ang gusto mo? Mag-ingat ka nga lang baka may makapa kang madali lang din magalit.... tulad ko," Agad kong tinupi ang mga paa ko pabalik at tumayo sa sofa habang dinuro siya. "Hoy, sanggano!" Wala itong reaksyon at kasalukuyan lang nakatingin sa akin. "Pare-parehas lang kayong mga manyak ng kaibigan mo ah, mga wala ba kayong kapatid na babae?" "Ang ingay mo, panget. Baka mamaya niyan maturn-off ako sa 'yo, pwede bang kausapin mo ko ng mahinahon?" Kumunot ang noo nito na palagi naman reaksyon ng mukha niya. Para namang umatras ang dila ko at nawala ang lahat ng gusto kong sabihin dahil sa narinig ko, namula na lang ang pisngi ko at tinalikuran siya. Baka mamaya sabihin niyang kinikilig ako sa kanya, naiinis nga ako sa puso kong 'to, bigla-bigla na lang kumakabog tapos sa 'di pa deserving na lalaki. Balak pa yatang magkaroon ng paghanga sa sanggano na 'to. "Kung ayaw mong matulog bahala ka sa buhay mo, basta 'wag mo kong iistorbohin at maaga pa ako gigising para bukas." Bumaluktot na lang ako at nagtaklob ng sarili gamit ang kumot. "Masusunod po, asawa ko," Napabangon ako sa narinig ko at nakita ko nalang siyang naglalakad na paakyat papunta sa kwarto nila. "Tigilan mo nga ko sa paganyan-ganyag pick-up-line mo ah, 'di 'yan gagana sa akin, sanggano!" Parang wala naman itong narinig at patuloy lang sa pag-akyat. Anong trip ng lalaking 'yon? Asawa ko? Pauso ang person, hindi na nga lang sanggano feeling gwapo pa. Deserve lang niya talagang takpan ng bibig eh, mabuti nga tinakpan ni Juno ang bibig niyon, kung hindi baka natuluyan na nagkiss kami ni Darrex. Hindi ko nga akalain na pipigilan ni Juno ang kaibigan niyang 'yon, sa lahat ng tao sa loob ng mansyon, siya ang hindi ko naisip na magagawa sa akin 'yon. Mabait naman pala siya, sana mahawaan niya si Darrex para wala na akong sakit sa ulo. Maaga akong nagising kinabukasan, mga alas singko palang ng umaga ay mulat na ang mga mata ko, mahimbing naman ang pagkakatulog ko sadyang maaga lang ako nagising. Dumungaw ako sa labas ng mansyon at nakita kong nagyoyosi sa labas si Darrex, napasampal pa ako sa sarili ko kung nananaginip lang ba ako pero hindi. Hinanap ko ang tsinelas ko, nakita ko sa lapag at sinuot iyon. Pakusot-kusot at bahagya pa akong humikab paglabas ng mansyon. Nakuha ko ang atensyon ni Darrex na kasalukuyang nakatayo habang may hithit ng sigarilyo, umismid ito nang magtama ang aming mga mata. "Bakit? Pagbabawalan mo ba akong magyosi?" bungad niyang tanong sa akin. Napakusot ang mukha ko, gusto ko lang naman siya tanungin sa bagay-bagay, kaso, parang 'wag na yata, mukhang wala naman akong mapapala sa kanya. "Bakit ba ang dami mong tattoo?" saad ko, nagbuga ito ng usok at tinaktak ang upos ng sigarilyong nakasipit sa kanyang dalawang daliri. "Wala ka na do'n, panget. Ikaw, ba't ba ang panget mo?" naparolyo na lang ako ng mga mata ko, kagaya nga ng sinabi ko wala akong mapapala na makipag-usap sa sanggano na 'to. Pumasok na ako sa loob at iniwan siyang mag-isa, 'dito na lang ako sa sala magmumuni-muni kaso bigla kong naalala na maglilinis pala ko sa buong sala ngayong araw. Malaking tulong na rin na nagising ako ng maaga dahil madali kong matatapos lahat ng mga gawain ko. Napasilip ako sa labas at hindi na nagyoyosi si Darrex, kasalakuyan itong nagpupush-up na kasama sa mga routines niya tuwing umaga. Paminsan-minsan, sabay-sabay silang nageexrcise nila Jazerou at Tyron sa labas ng mansyon. Pagkatapos kong maglinis sa sala gamit ang vacuum cleaner ay nagpunas naman ako ng mga salamin sa loob at labas ng mansyon, hindi na ako ang nagdidilig ng mga halaman sa labas dahil madalas iyong routine ni Arthur paggising sa umaga. Pagsapit ng alas siete ay nagluto na ako ng almusal para sa pito, nilutuan ko sila ng pancake at egg soup. Masaya naman akong nagustuhan nila iyon at mabilis nilang naubos ang lahat ng mga inihanda ko para sa kanila. Pagkalabas ko ng kusina pagkatapos maghugas ng mga pinagkainan ay inimbita ako ni Ethan na pumunta sa library kung saan ako kasalukuyan na nakatayo ngayon. "May mga gusto lang akong tanungin tungkol sa 'yo kaya kita inimbitahan dito," maginoo niya akong pinaupo. "Salamat," mahinhin ko namang sabi. "Kumusta pala si Mr. Philip?" Nagulat ako sa tanong niya, 'di ko naisip na iyon ang itatanong niya sa akin,. "Okay naman siya, kaso nagtatampo nga lang ako sa kanya kasi kailangan niya pa akong patulugin bago ipasok sa loob ng mansyon," sabi ko, napatango-tango naman siya. "E, ikaw, kumusta ka naman?" ngumiti siya. Iyan na naman siya sa mga ngiti niya kaya nahihirapan akong pigilan ang paghanga ko sa kanya, eh. Palagi pa siyang nakaformal at malinis tingnan kaya parang ang bango-bango at gwapo niya lagi sa paningin. Paano kaya kung sunugin ko si Sofia? Charot! "Nakakasanayan ko nang mag-stay sa loob, nang una medyo na ho-homesick pero kalaunan ay nagiging routine ko na lang ang lahat ng mga ginagawa ko sa loob. Maglinis, magluto, maglaba at matulog pagkatapos ko magtrabaho. E, ikaw... Ethan, kumusta ka?" Gumanti rin ako ng ngiti. "Masaya at kuntento naman ako sa lahat ng mga nangyayari at mga ginagawa ko sa loob," sinuot niya ulit ang mga ngiti niya. "Pasensiya ka na pala kahapon at natalo tayo, wala kasi akong hilig sa sport at tanging pagbabasa lang naman ng libro ang hobby ko," nahihiya pa niyang sabi na napapakamot pa sa kanyang baba. Si Ethan talaga sa pito ang pinakamagaan ako kausap, palagi kasi siyang ngumingiti at mahinahon kausap. Madaldal din siya at maraming tanong basta masasabayan mo lang siya. Naiimagine ko minsan, paano kung tao si Sofia? Paano kaya siya kakausapin ni Ethan? Kasi, kung tutuusin medyo mahiyain talaga siya, sadyang madaldal at makulit lang ako kaya siguro nalabas ko 'yung isa pa niyang pagkatao. Marami pa kaming pinag-usapan ni Ethan sa loob pero napagpasyahan ko nang iwan na siya sa library at bumalik sa sala. Inaalala ko kasi 'yung mga gamit ko baka pakialaman na naman ng dalawang manyak at pagdiskitahan ang panty't b*a ko. Pagdating ko sa sala ay naabutan ko 'yung sangganong nakaupo habang nagkukuyakoy ng kanyang talampakan na nakapatong sa hita niya. Kasalukuyan itong naka dekuwatro na upo habang nakatitig sa akin, nilakihan ko lang siya ng ilong. Umupo ako sa sofa na medyo malayo sa kanya. "Bakit 'di mo samahan 'yung mga kaibigan mong nasa Game Room?" Tinutukoy ko 'yung isa pang kuwarto sa baba kung saan ang pinaka paboritong kuwarto ni Tyron. "Wala akong hilig sa mga video games at arcades, kung gusto mo puntahan mo sila, sumali ka," Napangiwi ako. Kinuha ko 'yung remote ng T.V, at binuksan iyon, naisip kong manood na lang ng movies tutal wala naman na akong gagawin kaya pwede ko na gawin 'to, Namili na ako ng mga movies sa hard drive na nakasalpak sa likod, bahagyang naiilang nga lang ako dahil pinapanood ni Darrex 'yung ginagawa ko. Pinatay ko 'yung T.V. at nilingon siya. "Kung may kailangan ka sa akin, sabihin mo na, kanina ko pa nahuhuli 'yang mga pasulyap-sulyap mo sa akin. Ano bang kailangan mo?" wala itong reaksyon na tumingin sa akin. "Masama ka bang titigan?" bahagyang umurong ito palapit sa akin. "Oo, kasi maganda ako," sagot ko. Napatipa ito sa kanyang dila, "Mamayang gabi, sa kuwarto ka na matulog." Nagulat ako sa sinabi niya. "Huh? Ayos ka lang? Hinding-hindi ako matutulog sa kwarto mo, no? Never! Baka mamaya pagsamantalahan mo pa ko." Kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko. "Sinabi ko bang sa kwarto ko, panget?" muli itong umurong palapit sa akin, "May bakanteng pang kwarto roon sa taas, doon ka na matulog, walang nagmamay-ari niyon." Tumayo ito at nakapamulsang lumapit sa akin. Tiningala ko siya, "Okay lang naman sa akin kung sa kwarto ko gusto mo matulog, tutal gusto naman kitang mapangasawa." Pinitik niya ang noo ko. To be continued... Author's Note: Naihabol ko pa na iupdate ang chap na 'to ngayong araw, kapagod maglaba kahit may washing machine, babanlawan pa kasi ng mano-mano, anggara eh. Connect me on my social media accounts: FB: Aftoktonia Writes IG: IamAftoktonia #PowerofSeven Gamitin lamang ang hashtag na 'to para sa nagamit ng X o Twiiter Patuloy lang po kayong magbasa, mag-iwan lang po ng boto at komento, para happy lang ang author hahahha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD